CHAPTER 29

9 17 0
                                    

Talagang hindi ako nagsalita kahit kumikirot na ang puso ko sa mga katagang pinapakawalan niya, pero hindi ko naman kinalimutang ipakita sa kanyang interesado pa akong marinig lahat ng sasabihin niya.

“The next woman that I thought about was Mom, because I just figured out that, that woman I’m calling mom now was a new wife of Dad and I’m having her surname as my middle name. Kaya umuwi ako sa bahay ni Dad, may galit akong hindi niya man lamang sinabi sa akin ang katotohanang nangyari, na siya ang may kagagawan kung bakit ako na-ospital, na nagka-amnesia ako, na papalitan niya ang pangalan ko at aalisin pa talaga ang apelyido ng nanay ko, hindi siya nagkuwento tungkol sa buong pagkatao ko at ganoon din ang mga Ate ko,” huminto siya nang panandalian para huminga nang malalim. “Hindi ako nagdalawang-isip magalit kay Dad kasi wala naman siyang pinagbago e, mula bata ako hanggang ngayon ay may mataas pa rin siyang expectations sa akin na hindi ma-satisfy satisfy tapos hindi naman niya kayang maging mabuting ama, alam kong wala naman siyang pakialam sa akin kung hindi ako nag-iisang lalaki e; inamin niya rin sa aking wala na si Mom, noong na-coma ako ay na overdose raw ito sa mga gamot, binisita ko ang puntod niya noong gabing iyon kasama si ate Janda.”

Hindi ko na kinayang magmatigas nang mapansin ko ang paghinga niya nang malalim, kaya bilang pakikiramay ay ang una kong aksyon ay humawak sa kamay niyang nasa mesa. “My deepest condolences,” hindi ako nagbibiro, nasasaktan ako para sa kaniya dahil alam na alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng ina e.

He smiled pitifully and rubbed his thumb on the back of my palm softly and I didn’t complain. “Thank you,” bumuga siya ng hangin at panandaliang pumikit nang mariin. “Tapos noong gabing iyon ay nagalit din ako kay Ate kasi alam kong may alam siya sa lahat ng nangyari pero hindi niya man lang sinabi sa akin, humingi siya ng tawad at sinaad na utos iyon ni Dad sa kanila since ang sabi naman daw ng doctor ay hindi babalik ang mga ala-ala ko kapag walang bagay ang nag trigger na bumalik ito.” na-intriga ako sa mga sinabi niya’t tumangu-tango sa pagkaunawa. “And you were the reason why I have all of my memories back.”

“Oh,” tanging nailabas ko at parang ako lang din ang pinaringgan. Ang dami niya pala talagang dapat ipaliwanag, I mean, kasama roon ang pagkasawi ng kaniyang ina at kung paano siya nakaramdam ng pagtataksil mula sa ama niya mismo na pinagsamantalahan na lang ang amnesia niya.

“Yes. And that night too was when I came over to your house feeling frustrated, you remember?” I recalled a night where he came over...

Iyon ba yung nasa bahay pa ako na ibinigay ni Glaiziel? Nung dumating siyang gabing-gabi na at ang gulo ng ayos at pulang-pula ang mga mata?

That must be it!

“T-that was the time when I wanted to tell you who I really am, I hated reminiscing how I left you hanging and I hated my father for not helping me regain my memories as well—but coming face to face with you, I just felt lost and ashamed.” iniiwas niyang muli ang mga paningin niya sa akin. “Na-guilty kasi ako sa sobrang kabaitan mo sa akin noon, inalok mo pa akong maupo sa sofa at pinagtimplahan ng maiinom, at talagang mahal kita at natatakot akong baka mawala iyong ka-sweet-an mong ganoon at mawala ka rin sa akin ulit kapag nabatid mong ako si Rico. . . Napaisip akong kaya ko namang bumawi sa iyo sa pamamagitan ng pangalawang pagkakataong magkakasama tayo e, dahil mas napagtanto ko talagang mahal pala talaga kita, hindi lang bilang Ali kundi bilang Teresa rin, kaya siguro ang dali kong mahulog sa iyo at hindi ko na maalis ay dahil ikaw na talaga ang nilalaman ng puso ko noon pa man, you were and still are my greatest love, Ali.” now it makes sense to me why he kept saying sorry when I thought he shouldn’t be sorry about anything at all, kasi ako iyong nanloko sa kaniya at ang kakambal ko. “I couldn’t tell you all about my past because that includes my history with you, but I swear, I was just looking for the best time to tell you everything, you know, hindi lang din sa takot ako sa magiging reaksiyon mo e, remembering those memories while saying them out is shaking my nerves, I don’t know if this is a phobia or what but I’m really trying to stand this fear or trauma right now as I speak to you. Hindi ko balak na itago ’to panghabambuhay sa ’yo Ali, mahal na mahal na mahal kita, hindi kita kayang mawala, kayo ng mga bata, patawarin mo ako kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo pero araw-araw kong kinukumbinsi ang sarili kong kausapin ka tungkol dito at sabihin sa iyo ang lahat tungkol sa nakaraan ko at nating dalawa, lahat-lahat at sa kung ano talagang nangyari—one by one, please, no vex. I really really love you, please give me one more chance to be better and learn from my mistakes. This third chance of loving you will be the last and for lifetime.” may kumpiyansa niya pang sambit.

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now