CHAPTER 5

11 19 0
                                    

5 MONTHS LATER...

“Vanilla cake!” masigla kong bigkas sa tuwa nang pagdalhan ako ni ate Avianna nito. “Thank you, I’ll surely devour this to nonsense.”

Napangiti naman siya sa akin at tumingin sa bilugan kong tiyan, “Para sa pamangkin ko, mamamalagi na ako rito.” aniya sa akin. “Kumusta pala ang pagdadalang-tao mo, Gly?”

“Maayos na maayos, Avi. May problema nga lamang sa mood ko kadalasan, hirap din kapag hating-gabi nagdemand si baby pero buti na lang at vanilla lang ang paborito niya madaling kuhain. Nonetheless, all is fine, everything’s healthy.”

“Hmm, that’s good to know, my sister.” saad niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Her silver bracelet dangled as she did so. “I have to go now, Gly. Imbitahan niyo na lamang ako sa baby shower, okay?”

“Sure, sure.” pagsisiguro ko sa kanya at tumayo na rin. “Ingat ka sa biyahe. Ihatid na kita hanggang sa pinto.” ngumiti siya bilang pagtugon at sabay na kaming naglakad patungo sa pangunahing pinto.

Nag-usap-usap pa kaming dalawa tungkol sa pinagbubuntis ko hanggang sa makalabas na siya sa main door. “Oh siya, ingat ka rin dito, ha? Kayo ni baby.” anang Avi.

Tumango ako, “We will,” nagpaalam pa kami sa isa’t isa bago siya tuluyang umalis. Isinara ko na ang pinto at pabuntonghiningang naglakad pabalik sa salas.

Nowadays, I’ve taught myself not to mind the depressing thoughts for the sake of the baby’s health.

Totoong may malambot akong puso ngunit ganoon din ang katigasan ng aking utak  kayang kontrolin ng isip ko ang nararamdaman ko kapag pinilit ko, iyon na lamang ang ginawa kong prayoridad.

Ang turuan ang sarili kong kalimutang may kalungkutan o kamalasan sa buhay ko. . .na masaya talaga ako, walang problema.

Alang-alang sa anak kong nabubuhay sa aking sinapupunan.

Limang buwan na ang nakalilipas na naririto ako sa pamamahay ni Alexis kay daling gumalaw ng oras pero hindi siya madaling pakisamahan dahil napakaperpekto niya talagang asawa’t ama.

Sa limang buwang kasa-kasama ko siya sa iisang bubong ay may mga nalaman na rin ako tungkol sa kanya na wala akong ideya noon. Kung noon ay nagsasalita siya, nitong mga nakaraang araw ay mas naging open pa siya.

I don’t know but it became our routine to talk deeply every night before sleeping thinking of remarrying in another place, discussing about the welfare of people in Cebu, thinking of where to raise our kid...

Little did he know that I’m not going to raise our kid with him.

He’s indeed a lovable man.

Pero... gayun pa man, nalason  ko na ang aking isipan na kagaya lamang siya ng ibang lalaking guwapo na may masamang ugali. Dahil alam kong kahit anumang mangyari ay hindi ko maaaring masira ang tiwala ng kapatid ko sa akin.

Nasa ‘kapatid’ na rin naman ang punto ko ngayon, matagal na kaming hindi nakapag-uusap ni Glaiziel pero ganoon naman talaga ang usapan namin e kapag nagbuntis ako ay wala muna kaming koneksyon nang siyam na buwan.

The gender of the baby is still unknown to everyone except to me.

Sa Linggo namin naisipan ni Alexis magpa-baby shower, maraming dadalo para paghandaan ang revealing of gender ng anak namin.

Namin.

Iwinaksi ko na lamang sa utak ko ang aking naisip at napaangat ang tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Alexis.

“Look who’s here,” turan niya na tila kakakita pa lamang sa akin. “My glowing wife.” dagdag niya pa at nagpatuloy na sa paglalakad. Ibinaba niya ang shopping bags sa maliit at mababang mesa at ako nama’y tumayo upang salubungin siya ng halik.

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now