BACK TO ALLIYAH’S POV
Kinakabahan ako nang sobra dahil iniharap ako ni Alexis kay Atty. Tiangco, na ang ibig sabihin ay nagsisimula pa lang maging intense ang mga pangyayari.
Kasalukuyan akong nasa meeting kasama si Alexis at ang abogado niya, ipinatawag niya kasi akong pumunta rito para magka-usap kami at malaman ko ang sunod na magaganap sa kaso.
Mauuwi ba ito sa maayos na senaryo?
“Lawyer Tiangco, this is Alliyah Cryzielle Mendez, the biological mother of my daughter.” pakilala sa akin ni Alexis sa kanya. Nahihiya ko namang inilahad ang kamay ko sa abogado nang may pagtango. “She’s the one I’m talking about that wants to nurture our kid, but because of the contract, she might get jailed.”
Ngumiti si lawyer Tiangco, “I got it. Magiging malaya siya...” aniya at tinanggap ang kamay ko upang makipagkamay nang pormal. Lumingon naman siya kay Alexis. “at kayo. But you have to trust me, will you?”
“Of course, you’re the best lawyer for me.” may kumpiyansang sagot ni Alexis sa kanya na ikinangiti naman niyan. “And by the way, Alliyah, this is my personal lawyer, Zubby Tiangco.”
Nagtanguhan na lamang kami ni Atty. Tiangco bilang paggalang sa isa’t isa.
“Kailan po pala ang hearing?” tanong ko sa mababang boses at tumingin sa kanilang dalawa. I can’t wait to be free of guilt, I can’t wait to claim my daughter. “At hindi naman po makukulong si Glaiziel, hindi ba po?” I’m still concerned about my sister, of course.
How is she? Hindi na kami nagkikita at palagay ko naman ay ayaw niya akong makita? Baka ayaw niya, baka galit siya sa akin? Baka inaasahan niyang tutulungan ko siya sa relasyon niya. . . But the thing is, mas concerned ako sa kapakanan ng anak ko.
I’m sorry.
“Bukas na ang hearing, at oo, hindi makukulong si Glaiziel.” pagkumpirma niya na ikinangiti ko nang malawak.
“Maraming salamat po.” nagagalak kong sambit.
“Sir, Ma’am, ito na po ang in-order niyong mga kape.” napalingon kami sa waitress na dumating sa mesa namin dito sa coffee shop kung saan kami nag-uusap. Inilapag niya nang marahan ang tray sa mesa namin. “Thank you for choosing this café, please come again.” anang pa niya at umalis na.
Huminga ako nang malalim at naupo na sa upuan ko, ganoon din ang ginawa nilang dalawa.
I just smiled tightly as I pulled a cup of coffee near me. “I hope we succeed,” ani ko sa mababang boses at humigop sa aking kape.
“We will,” sagot ni Atty. Tiangco at nakangiting humigop din sa kape niya. “Trust me.”
I wonder how he’ll acquit me when that contract is very detailed? Pero sinabi niya namang pagkatiwalaan ko siya e, at profession niya ito, paniguradong alam niya na ang gagawin.
They said that learned gentlemen can turn black to white and white to black. Masasaksihan ko iyon bukas...
“I told Glaiziel to get her personal lawyer too, so I know this will be a long time case.” saad ni Alexis na ikinalingon ko sa gawi niya.
“Uh-uh, not too long.” pagsabat ni Atty. Tiangco na mahihimigan talaga ang kumpiyansa sa tono.
Well, I hope for the best tomorrow.
Friday, the day of our first legal gathering for hearing trial in the law court. I’m totally nervous because I never had an experience of this.
The big courtroom feels like it can swallow me anytime, I feel sinking into the ground.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...