CHAPTER 11

9 17 0
                                    

“Let me ask of the name of the baby girl that we’re talking about here.” ani ni judge Umali at tinuro ang nagtaas agad ng kamay na si lawyer Villa.

“Starlette Demasero,”

“How old is she?”

“3 years old,” sinubukan kong tingnan si Glaiziel pero nakayuko lamang siya na tila may binibilang sa kamay niya pero nararamdaman ko iyon hindi siya mapakali dahil labis na siyang nasasaktan, gusto niyang ilabas iyon o lumabas na sa korteng ito.

“The little girl is indeed still a little girl,” tumatangong sambit ni judge Umali at tumingin sa gawi namin. Mukhang magsasalita pa siya nang maputol na lamang kami bigla ng katok mula sa pinto.

Kakaalis lamang ni lawyer Cruz at may bagong tao na naman—di kaya’y yung mga testigo?

Lumingon ako sa likuran at nagsipasok ang apat na tao, ang tatlo ay kilala kong sina Ginang Marites, Sister Jade, at Doctor Gomez. May isa pang babae na may hawak na laptop at nakasabit ang camera sa leeg.

“May we beg the Court’s indulgence for a moment?” tanong ni doc Gomez.

“Who are you?” pabalik na tanong ng husgado.

“Your Honor, they are the defendant’s witnesses.” tugon ni lawyer Tiangco.

“Oh, okay. . . You all, may approach the right side bench.” pagpayag ni Judge kaya naman naglakad sila patungo sa direksyon namin at naupo sa upuang nasa likuran namin magkakatabi silang apat sa isang mahabang silya.

“Thank you, Your Honor,” mababakas ko ang kaba sa boses ni Ginang Marites habang nagsasalita kasabay ang tatlo.

Napatingin siya sa akin at ang nagawa ko na lamang ay ang ngitian siya.

“They will be the witnesses that no one spilled the beans or should I say, THE secret? Defense, you may call your first witness.” utos ng husgado na ikinabalik ko na ng tingin ko sa unahan.

Tumayo si lawyer Tiangco, “Thank you, your Honor. I call to the stand sister Jade Morales.” tikom-bibig akong lumingon kay sister Jade. QQ

“Will the witness please stand to be sworn in by the bailiff.” anang judge Umali kaya naman tumayo rin kaagad si sister Jade.

Lumapit at humarap sa kaniya ang bailiff, “Please raise your right hand.” at itinaas naman ni Sister ang kanang kamay niya. “Do you swear to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth?”

“I do.” patangong tugon niya kaya naman minosyon na siyang magtungo sa witness’ section na siyang pinuntahan niya.

Binuksan niya ang maliit na flap board upang makapasok siya sa loob ng witness’ stand. Tumingin siya sa paligid at naupo na.

“You may speak in Tagalog or in English, any language that you are comfortable in.”

Bumuntong-hininga si lawyer Tiangco, “Noong araw na nakita ni Alexis Chase Demasero si Alliyah  sa bahay-ampunan, anu-ano ang mga sinabi niya?”

Bahagyang kumunot ang noo ni sister Jade, inaalala ang nakaraan. “Nagulat siya na naroroon si Alliyah, nagulat din akong kilala niya ito sinabi niyang nagkita na sila noon sa America yata iyon na hindi ko matandaan ang State, tapos tinanong niya rin ako kung may umampon na ba raw kay Alliyah na matatandang Amerikano noon na bumiyahe papuntang America 3 years ago.”

“At ano naman ang naging sagot mo?”

“Ang sabi ko’y kahit kailan ay hindi pumayag si Alliyah na magpa-ampon, instead, nagvolunteer na lang itong maging katuwang sa bahay-ampunan sa pag-aalaga sa mga bata, at nabanggit ko ring napaka galing magluto ni Alliyah lalo na ng afritada.” tugon ni Sister na ikinahinga ko nang malalim. “Sabi ko pa’y hindi naman siya naampon bago siya umalis sa bahay-ampunan para magtrabaho, mga apat na taon na ang nakalilipas at nakagugulat na parang ang laki-laki ng sahod niya, kaya naisip namin na suwerte siya sa nakuha niyang trabaho.”

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now