CHAPTER 4

13 19 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko nang alinlangan akong lumabas ng kuwarto, dala-dala pa ang tasa ng salabat na medyo mainit pa rin.

Lumabas lang ako ng kuwarto para hindi siya ma-stress sa presensya ko, nagkamali ako sa nagawa ko pero alam ko bang magagalit siya kaagad? Ang pasaway ko sana nilagok ko na lang ‘to.

Siyempre, hindi ko dinala ang mga tableta, e ’di mas lalo ko siyang ginalit no’n.

She was sweet that turned into fiery one, and it may affect the baby if she’s not happy.

“O, iho, nandito ka na? Good morning. Hindi ka ulit pupunta ng opisina nang maaga?” tanong ni Ginang Marites nang makitang hindi ako naka-tuxedo o office suit.

Balisa kong ibinaba ang tasa sa countertop at nagpamaywang habang ang hinlalaki ko naman sa isang kamay ay inipit ko sa aking mga ngipin.

Kaagad ko ring inalis ang daliri ko sa pagkakakagat at tumingin sa gawi ni ‘nay Marites. “Ginang,” tawag ko sa kanya. “What should I do? Galit sa akin si Gly.”

“Ay, bakit, ano bang nangyari?” kunot-noo niyang pagtatanong at pinatay ang apoy sa gas stove upang harapin ako.

“E kasi...masakit ang lalamunan ko tapos, ano, like...she said she’ll make me a tea and she really did,” tumigil ako nang panandalian. “but the ginger is too hard to finish in a gulp, kaya sinabi ko na lang na lab meds ang iinumin ko...and then, that’s it, she became upset with me.” I pouted sadly and placed my balled fists on the countertop. “Anong gagawin ko? Ayaw niyang tumanggap ng sorry kasi raw parang wala lang akong pakialam sa efforts niya  sa paggawa nitong luyang inumin.”

I am being serious when Ginang Marites just laughed loudly, her eyes are tight closed while doing so. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Ginang,” mapanaway kong saad sa mababang boses. “What's funny about this? I’m literally shaking.”

“Kalma ka lang, ‘nak. Natural lang ‘yan sa nagdadalang-tao, nasa stage na siya ng pagiging moody.” aniya na medyo tumatawa pa. “Hayaan mo lang, lalamig din ang ulo no’n, basta mula ngayon ay maghanda ka na at magpakumbaba na lang, ha? Huwag mo nang sasabayan.”

Is it like that? It’s part of her pregnancy? I see.

Napangisi ako, “Gano’n?” tanong ko. “Mapapatawad niya ako mamaya?” tumangu-tango siya sa akin. “Okay then, I’ll give her a present later.”

“Maayos iyan, o, kumain ka na rin.” pag-aalok sa akin ni Manang na ikinasimangot ko naman.

“Ayaw niya na akong paglutuan ngayon,” mapagmaktol kong singhal at ngumiti naman siya nang matamis.

“Huwag kang mag-alala, mamayang tanghali, ayos na ’yon. Dalian mo na at inuumaga ka na.” I hope so, really.

I left our house for going to my usual work, the only difference is that I am not at rest today, I mean, I’m always not at rest because I’m working, but this time, even my mind couldn’t function well for all I think of is Glaiziel at home.

I don't know whether she has eaten already or not, or is she still angry with me? Is she now okay? Happy?

Hindi niya nga man lang ako binigyan ng goodbye kiss kanina e. Wala rin siyang pakialam nang halikan ko siya sa sintido niya, basta lang siya nakahiga roon at nakapikit.

But I should focus on my job now, my wife is fine in our house. At saka, si Ginang na mismo ang nagsabing normal iyon sa nagbubuntis e.

Dapat bang bilang asawa niya ay nasa tabi niya ako bilang suporta? Gabayan ko siya at ang magiging anak namin?

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now