Walang tao sa bahay nang umuwi ako dahil si manang Kyrie at si Renz ay doon nagpagabi sa mansyon ni Alexis.
Nag-impake ako ng kakaunting damit na para lamang sa pamalit ko nagluto ako ng specialty kong chicken afritada sapagkat alam kong iyon ang paboritong ulam ni Alexis, nagsaing na rin ako ng bagong kanin kasama sa inimpake ko ay ang mga kagamitan pangkain naligo ako nang maayos at nagdala ng bagong bag na may lamang pang-retouch kapag kailangan, may mouthwash din kasi halata namang doon ako matutulog e.
Nagmamadali akong bumaba sa kotse ko nang makapagparada na ako sa parking lot ng hospital. On the way to this place, I bought a small cake just for tomorrow, so that Alexis can sing a "happy birthday" to his daughter even though late.
Alas onse na kaya tinutulinan ko ang mga lakad ko, panigurado kasing may hinahabol na oras si ate Ash at baka ayaw niyang iwanan na lang doon iyong dalawa.
Bitbit ang mabibigat kong bags ay binuksan ko nang marahan ang pinto ng silid ni Alexis. I entered the room and just like what I expected, Starlette is already asleep beside Alexis big hospital bed that can accommodate about four people, I guess.
Napadako sa couch sa tabi ng dingding ang paningin ko at nasilayan si ate Ash na nakatulog na rin kakahintay sa akin.
"You came back safe, I'm thankful." nabaling ang atensyon ko sa higaan ni Alexis na nagsalita, ang boses niya'y mahina lang at malalim upang hindi makagising.
Madali akong nagtungo sa direksyon niya at inilapag ang malaking plastic sa ibabaw ng maliit na maletang iginilid ko sa bedside table saka ko naman ipinatong ang bag ko sa upuan dahil may nakalagay pa rin sa mesang katabi ng kama niya.
"Akala ko tulog ka na rin, narinig mo ba ang pagpasok ko? I'm sorry to disturb you." paghingi ko ng paumanhin ko sa mababang boses.
"Err, I didn't even sleep at all, sweetheart. I was waiting for you." I blinked cautiously at his words and gave him a tiny smile.
"I know...inaantay mo yung pagkaing ipinangako ko 'no?" may pagkapabiro kong bigkas, ngumiti naman siya. "Don't worry, I got it for you, pero bawal mo pang kainin, bukas na ng umaga, initin ko na lang."
"Well, kinda waiting for that too. . . Pero ikaw talaga mismo ang inaantay ko I couldn't sleep with the thought that you're still outside this late," pagrarason niya na ikinapawi ng ngiti ko at ikinabilis ng pintig ng puso ko. "Kahit pa may kotse ka. So yeah, I'm glad that you're okay." I returned a toothy grin at him.
"Thank you for the concern," pasasalamat ko at saka nagtanong. "How about your medicine?"
"Nakainom na ako. And you don't have to thank me for genuinely loving you." napatingin ako sa sahig kasabay ng pagkagat sa pang-ibabang labi ko.
Inangat ko uli ang ulo ko upang tingnan siya datapuwa't wala akong inilabas ni isang kataga bilang pagtugon sa sinabi niya, tanging pagngiti pa rin.
Can he hear my loud heartbeats?
I gulped down my saliva, "Gisingin ko muna si ate Ash, may lakad pa raw siya e."
Sa isang linggong naka-confine si Alexis bago siya sinabihang puwede nang ma-discharge ay salit-salitan kami ng pagbabantay sa kanya dahil may mga inaasikaso rin kaming negosyo, although sinasabi ni Alexis na hindi niya na kailangan ng mag-a-alaga sa kanya ay hindi pa rin kami nakikinig.
Ang dami ko na ring iniisip ngayon, negosyo ko, iyong pagpapa-enroll kay Starlette sa daycare, iyong recognition day ni Renz, iyong paparating naming kasal ni Alexis, iyong magiging advertisment niya, at marami pang iba na kailangan ng preparasyon.
I flinched when I felt a hand massaging my shoulders softly, I turned my head to the back and noticed Alexis in his black shirt and black jeans, his attire for leaving this hospital today. "Why are you so tensed up, sweetheart?"
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...