CHAPTER 3

22 19 0
                                    

Naalimpungatan ako at unti-unting iminulat ang mga mata ko sa kuryusidad kung anong oras na ngayon. Hindi ko na rin nakita si Alexis sa tabi ko gaya ng kinatulugan ko kagabi.

Hinanap ko ng paningin ko ang wall clock at natagpuan ito sa kanlurang bahagi ng pader, kulay asul at malaki kaya kitang-kita ko na ang oras ngayon.

09:45 a.m. Napahimbing ang tulog ko nang labis. At alam ko ring nakaalis na siya dahil alas singko raw talaga siya umaalis araw-araw.

Naupo ako sa higaan at sumandal sa headboard  humupa na ang sakit sa pagitan ng hita ko, paniguradong makakapunta ako sa opisina ni Gly ko ngayon.

Ngunit bago iyon ay papalitan ko muna ang bedsheets at lalabhan. . .

Nabaling ang paningin ko sa tokador at napansin ang yellow sticky note roon na hindi ko napansin kagabi inalis ko ito sa pagkakadikit at upang basahin ang sulat sa magandang penmanship.

| ~Hey love, good morning. You know that I always leave early in the morning, right? And you do as well but I didn’t want to disturb you in your sleep, I’m sorry. Eat breakfast and go to work anytime you wake up, I love you.

                                         -Alexis|

Awtomatiko akong napangiti at tumango, “I appreciate the consideration.” banggit ko nang mahina at walang tiyak na kausap.

Tutal sa akin naman iniwan itong sulat ay hindi ko na ibabalik sa nightstand. Bumaba na ako sa higaan sa mabagal na paraan na parang nag-iingat.

Sa totoo nga niyan ay labis akong natutuwa na nauna siyang umalis kasi gusto ko pang maging pamilyar sa buong bahay habang wala siya; ilalagay ko muna sa laundry machine itong bedsheets at papalitan ng bago, at saka ko gagalain ang buong mansyon bago ako kumain ng almusal...bago ako pupunta sa trabaho.

I’d make sure that I won’t fail this mission, I’ll do this carefully; professionally, and perfectly.

Huminga ako nang malalim at ibinuga rin ang hangin, “I got this. Nakapaloob na ang puso’t kaluluwa ko rito, ako si Glaiziel.” kaya aakto rin akong siya nang walang alinlangan.

Ako si Gly. Asawa ko si Alexis. Bahay namin ’to. Magkakaanak kami.

Ito na ang huling beses na papaalalahanan ko ang sarili ko ukol dito.

Tatlong linggo na ang nakalilipas pero wala man lang sign na nagbubuntis na ako, pati ako ay kinakabahan na rin kasi baka hindi ko rin kayang magdalang-tao?

Ah! No, I can.

Hindi man natuloy ang pagpapa-check up namin ni Glaiziel tungkol sa matres ko, sigurado akong kaya kong makabuo.

Wala kasi akong alam sa ovulation period e, kung ano bang oras kayang makasalo ng sperm and egg.

We’ve done it for about 5 times in 3 weeks, yet no sign. I mean, 2 weeks na akong nag-aantay rito simula nung huli namin, subalit wala talaga.

Alam kong dapat ay dalian ko ang lahat ng ‘to, wala ako rito para magpatagal kaya nga limang beses naming inulit sa isang linggo noon hanggang sa siya na ang nagsabing pagod siya sa trabaho at sa susunod na lamang.

Anong gagawin ko? Malamang ay hindi ko siya pipilitin, naiintindihan ko siya.

Sa tatlong linggo ring naririto ako sa misyong ’to ay parang wala lang, walang pagbabago sa pagkakakilanlan ko sa kanya dahil tuwing gabi lang naman talaga kami nagkikita at kakain saka matutulog lang; datapuwa’t oo, napakabait niya at responsable sa ugali, iyon lang ang nasaksihan ko sa personal.

Wala nang iba. Ni hindi ko nga siya nakakausap nang malalim e wala rin naman ako rito para kausapin siya at kilalanin nang lubos, pero pati mismo yung pakay ko ay ‘di pa mangya-mangyari.

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now