I came home earlier today so I insisted to prepare our dinner, but I haven't eaten yet since I was waiting for Alexis to come home too and we'll eat together.
Pinauna ko na lamang ang mga bata kasi kailangan nilang matulog nang maaga; at tama nga ang desisyon ko dahil alas diyes na talaga nakauwi si Alexis at parang nanghihina pa, mas maaga pa nga kaysa sa mga nakaraang araw na kung hindi alas dose e madaling araw.
"Have you been coughing all today?" tanong ko sa kaniya habang nililigpit ang mga pinagkainan namin.
Umiling siya sa akin at uminom ng tubig, "Don't worry," huwag daw ako mag-alala pero umubo siya. "It will fade tomorrow, kaunting binat lang."
"Kaya nga dapat maagapan na ngayon e, habang hindi pa malala ay uminom ka na ng gamot, nakapaghapunan ka naman na." mahinahon kong payo sa kanya at binuhat na ang nakapatong-patong na plato.
"Honey, it's fine, I don't need any medicine yet. Ipahugas mo na lang 'yan sa ibang helper natin dito at matulog ka na, alam kong pagod ka rin." saad niya naman at tumayo na, nangunot naman ang noo ko.
"Hindi ka ba sasabay sa aking matulog?"
Umiling siya, "I still have to sign some files and check the ongoing projects here in Cebu kaya susunod na lang ako sa iyo, mauna ka na." lumibot siya patungo sa akin at hinalikan nang mariin ang noo ko. "Huwag na muna sa labi, baka mahawa ka pa ng ubo ko e." pabiro niyang sambit pero hindi pa rin ako kumbinsidong huwag siyang bigyan ng gamot, nagkakasakit na siya sa triple-tripleng pagkayod e.
"I love you. What if I help y-"
"Uh-uh, don't even go there. Gusto kitang matulog na dahil pupunta ka pa sa kumpanya mo bukas, I don't want you to be drained, okay? So, go on and rest, I'll follow you upstairs later, sa sitting room muna ako magtatrabaho." napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya at umiling-iling sa konsumisyon.
Lumayo na siya sa akin at ngumiti pa na nagpapahiwatig na ayos lang siya, pero hindi ako naniniwala roon dahil halata naman sa mga mata niyang pagod na pagod na siya.
Kailangan niya ako ngunit ayaw niya lamang mabigatan ako o nahihiya siyang magpatulong sa akin, pero kaya nga kami mag-asawa, 'di ba? Magkaagapay sa lahat. Hindi ko siya puwedeng hayaang mag-isa.
Hindi ko na lang muna siya sinagot at nagtungo sa kusina upang ilapag sa lababo ang mga pinggan, si manang Alison naman ay kaagad na nagprisentang maghugas ng mga ito dahilan ng pagngiti ko at pagpapasalamat sa kanya.
Kailangan ko kasi talagang sumunod kay Alexis doon, bibiglain ko na lamang siyang nais ko talagang tumulong dahil hindi ako makatutulog nang iniisip na sumasakit pa ang ulo niya.
Dumiretso ako sa isang floating shelf sa tabi ng refrigerator at kumuha ng kapsulang panggamot sa ubo, nagpuno ako ng isang basong tubig at saka lumabas ng kusina patungo sa salas kung saan sinabi ni Alexis na pagtatrabahuan niya.
Nang makaabot na ako'y laking gulat ko nang madatnan ko siyang kasama si Glaizel na nakaupo sa kanang sofa habang si Alexis naman ay sa gitna, matalim ang tingin nila sa isa't isa kaya hindi yata ako napansin.
Nagagalak naman akong makitang nahanap kami ni Gly, kasi siya ang hinahanap ko pero hindi nagpapakita, gustung-gusto ko nang makipag-ayos sa kaniya.
I was about to call them both when I froze on my spot.
"Alexis, it's t-true." tila giit ni Glaizel. "I'm p-pregnant for you." saad niya na ikinahigpit ng hawak ko sa baso kasabay ng pagkakahigpit ng dibdib ko sa pagkabigla.
H-how? She's pregnant for him? Hindi ba't....
"5 months na..." I lost it.
They both turned their heads toward me as they heard the glass shattered on the floor. I felt dizzy and I barely balanced myself, my hands started feeling weak as my knees.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
عاطفيةMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...