Hindi na ako nakasagot nang magbukas ang pinto ng elevator at nauna na siyang lumabas saka ako sumunod.
Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating na kami sa pintuan ng kuwarto niya at ni Glaiziel.
He typed the passcode and I noticed it was different from what I knew before.
‹16110104› parang mas mahirap sauluhin ito pero nasaulo ko naman.
Nagbukas ang pinto datapuwa’t di siya pumasok ngunit nilingon ako, “Starlette is in the other room, let me carry her to this room.” ani niya at tumingin ulit sa doorway. “Puwede ka nang mauna sa loob at pumunta sa kuwarto niya.” matapos niyang sabihin iyon ay napakurap na lamang ako nang umalis na siya.
Three years old pa lang naman kasi si Starlette kaya dito pa siya natutulog sa kuwarto ng parents niya iyong kuwarto niya na tinutukoy ni Alexis ay iyong kuwartong kasama ako sa nagdecorate noon.
I breathed heavily upon entering the wide room, feeling the nostalgia seeping into my body as I recall everything that has transpired here before.
Hinubad ko ang sapatos ko at itinabi iyon sa shoe shelves, at saka ako naglakad patungo sa maliit na silid-tulugan ni Starlette.
A smile found its way to my lips as I saw the little pink bed of Starlette, beside it was a small nightstand with a lampshade.
May isang librong nakapatong sa higaan niya, may teddy bears siyang nakatabi sa pader at may isang barbie na katabi ng unan niya.
Sa paligid ay may mga pambatang kagamitan din pink themed ang kuwarto niya pink closet, for sure there stores her pink dresses pink wooden wall with fuchsia curtains around just to signify that this is her zone.
Wala namang pinto rito o kurtina na panabon, at maganda iyon nang sa gayon ay nakikita ang bata mula sa master’s bedroom kapag may problema o kailangan.
“Did you like the arrangements of her little bedroom?” I was startled by the soft voice of Alexis. He brushed his shoulder past me and gently laid Starlette on her bed.
Tumayo na siya nang tuwid at bumuntong-hininga, “Or did you wish to have designed all of these by yourself?” dagdag niyang katanungan na ikinalunok ko nang malalim.
Why does it feel like he’s trying to make me feel remorseful even more? Mukhang hindi naman yata magiging maganda ang pagsasama namin bilang magulang dahil hindi niya man ako sigawan o pagsalitaang lumayo tulad ng ginagawa niya kay Gly, pinaparamdam niya namang nagkulang ako bilang isang ina.
But it’s okay, I’ll take it all for my baby.
“Uhm, kinda? But her mini room is cute.” sagot ko sa magaan na tono at ngumiti pa sa kaniya.
Lumakad ako palapit kay Starlette at huminto sa paanan ng higaan niya marahan kong inalis ang librong nadadaganan niya.
“Yeah, for sure.” tugon naman niya at saka kami binalot ng katahimikang hindi kanais-nais.
“C-can I kiss her forehead before I leave?” paghingi ko ng permiso na ikinakunot naman ng noo niya.
“Leave? Where are you going?” pagtatanong niya na animo’y wala akong sariling bahay, bahay na ibinigay pa ni Glaizel.
“To my house.” usal ko sa baritonong boses at wala pa mang pahintulot niya ay nilapitan ko na si Starlette, awtomatiko naman siyang gumilid.
“You’re going to sleep in one of the rooms here, Ali.” komento niya na hindi ko muna pinansin nang halikan ko na sa noo si Starlette dahilan ng bahagyang paggalaw nito.
Tumayo na ako nang tuwid at hinarap si Alexis, “I have to go home because there’s someone waiting for me there too.”
Tumaas ang isang kilay niya, “Sino naman?”
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...