CHAPTER 24

7 15 0
                                    

BACK TO ALLIYAH'S POV

Nahirapan akong isilid si Eiser sa malaking maleta at i-zipper ito, lahat ng parte ng katawan niya ay masakit lalo na nang ibaluktot niya ang katawan niya pero nakaya niyang huwag gumawa ng kahit anumang tunog habang hinihila ko ang mabigat na maleta.

Malamang ay nag-iwan ako ng maliit na siwang sa zipper kasi mawawalan siya ng hangin sa loob; naghihirap na nga siya sa pagtitiis sa sakit ng katawan niya e mahihirapan pa siya sa pagtitiis ng kawalan ng hangin?

Hindi puwede.

Binilisan ko ang paglabas sa library, sinigurado kong naisara ko iyon nang maayos at ibinalik ang mga libro sa secret door. Sumakay ako ng elevator pa-ground floor at talagang umakto nang untouchable nang makalabas ako ng elevator, just in case ay may guwardiyang makakita sa akin habang maglalakad, hila-hila ang suitcase ko ay hindi ako papakialaman, nakataas ba naman ang baba at naka-arko ang likod habang humahakbang, walang makakahalatang mabigat ang dinadala.

Natigilan ako nang may pesteng humarang sa akin, siguro nakatunog na itong binuhat ko si Eiser e, baka papunta na sana sila pero nakita nilang bukas ang pinto...pero kalma lamang, huwag ipakitang kabado.

“What do you need? It’s your first time getting on the way,” masungit kong singhal sa kaniya. “Can’t you see that I’m hurrying for friends trip?” umiling siya na ikinalipad ng kaluluwa ko—oo, overreacting pero ganoon talaga ang naramdaman ko sa pag-iling niya.

Hindi niya yata ako pinapaniwalaan e, alam niya yata ang katotohanan. Napahawak ako nang mahigpit sa suitcase at pinanatili ang blanko kong ekspresyon.

“I’m sorry, I just found you beautiful and elegant this morning.” aniya sa tono niyang Español na ikinatiim ng bagang ko sa pinaghalong inis at ginhawa.

Iyon lang naman pala, akala ko e haharangin na ako!

“Stop, you creep, move aside! My friends are waiting, just do your job.” pagtataray ko pa na ikinagilid niya naman at yuko, nagmamadali akong naglakad palagpas sa kaniya pero na-guilty rin ako sa pagsagot sa kanya nang ganoon e pinuri niya lang naman ako. “And...thank you, by the way but keep professionalism!” pahabol ko nang hindi tumitingin sa kanya at tuluyan nang lumayo.

Ang hirap maging masungit sa mga taong hindi naman deserve masungitan, lahat ng tao ay dapat respetuhin kahit ano pa man ang estado sa buhay kaya baka nanliit siya sa sarili niya dahil sa sagot ko, pero sana lang talaga e simpleng puri lang iyon.

Nadala lamang ako ng kaba dahil ang minimithi ko ngayon ay maitakas si Eiser bago pa kami mahuli.

Since there’s no guards in the garage, I was able to use a wooden plank that I saw in the corner as a bridge to roll the suitcase up into the pickup truck.

I immediately drove out of the house as the gate was opened for me by one guard, I have no fixated destination yet but once I reached the main highway, I pulled over to the side of the road in order to go to Eiser and open the zipper of the bag bigger.

Tinulungan ko siyang makalabas ng maleta at pinahalata siya sa cargo bed, ito ang dahilan kaya BMW pick up truck ang napili kong gamitin, para may mahihigaan siya sa likod habang nagmamaneho ako at naghahanap ng matutuluyan niya, presko rin ang hangin kaya medyo maginhawa sa pakiramdam.

Wala ring makakakita sa kaniya rito dahil bukod sa madilim pa ay tago rin siya ng mataas na railings.

I looked at his state and heaved a deep sigh, “I’ll just look for an apartment to stay in for a while and then I’ll start curing your wounds slowly, and I bet you’re already hungry, I’m sorry for that.” ani ko at bumaba na ng cargo bed, nagmamadali ko itong isinara at nagtungo na ulit sa drive seat.

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now