Parang ang bilis ng pangyayari, paano? Bakit? Alam kong ang sabi niya ay mas ikabubuti kong huwag malaman pero hindi ako mapapakali e, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na kaibigan ko siya tapos ngayon ay iniwan niya ako sa ere nang ganito na lamang? Biglaan.
"Eiser? Eiser! Huwag ka nang makipaglaro oh, hindi nakakatuwa!" mangingiyak kong sigaw sa tahimik na lugar. "Eiser naman e! Alam kong nagtatago ka lang diyan, prank mo lang itong sulat mo para makita kung may pakialam ako sa 'yo! Hindi ka nagparamdam para sa prank mong 'to, alam mong pupunta ako rito e, ano? Eiser!" sunud-sunod kong sigaw, inaasahan na bigla siyang lalabas sa lungga niya nang may malaking ngiti sa mga labi.
.
.
.
Pero wala, wala...Napaluhod ako sa panlulumo ng mga tuhod ko, ang isang kamay ko ay nakahawak sa hita ko habang ang isa naman ay nakapatong sa mesa; bahagya kong nilukot ang papel sa paghagulgol ko nang malakas.
Alam kong sinabi niyang magpakatatag ako at huwag umiyak pero kasi ang daya niya e, iyon na iyon? Wala na akong kasama sa patagong misyon kong ito? Wala na akong karamay at kaibigan? Mag-isa na naman ako.
Ang saya niya pa noong gabing iyon e, hindi ko malalaman na may plano na siyang magpaalam sa akin...ngunit ang sabi ni Beau ay may iba siyang misyon kaya wala siya sa mga operasyon namin? Nagsisinungaling kaya siya o wala siyang alam sa nangyari kay Eiser?
Baka naman mayroon, kasi imposibleng wala e siya nga ang boss sa Marija group, at kung may iba mang misyon si Eiser ay siya ang unang makaka-alam niyon. Nagsinungaling siya sa akin at amin, may alam siya sa nangyari sa kaibigan ko.
Aburido akong tumayo mula sa sahig, "Tatanungin ko siya, kapatid ko naman siya sa papel e, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang pagpanaw ng kaibigan ko. . ." natulala ako sa puting pader nang may pumasok na ideya sa utak ko. "H-hindi kaya'y may kinalaman ito sa pagliligtas niya sa akin?"
Nabanggit niyang hindi puwede sabihin sa kahit kanino ang pangalan ng pinaka boss ng Vastler Org. at nilabag niya iyon para lamang makawala ako, kaya rin nung gabing iyon ay ginusto niyang makipagkita sa akin kasi nararamdaman niya nang huli na naming pagkikita iyon?
Inihilamos ko sa mukha ko ang isang kamay ko dahil sa matinding konsumisyon; datapuwa't may punto naman ang naisip ko e? Kaya rin siguro ayaw niyang sabihin sa akin sa kasulutan niya dahil alam niyang magi-guilty ako sa pagkamatay niya na ako ang may kagagawan dahil sa tracker na iyon hanggang sa pagkakakidnap sa akin, dahil sa akin ay napahamak siya sa pinaglilingkuran niya na nang maraming taon.
Wala pa namang awa iyong demonyong namamahala sa buong organisasyon na 'to, kahit pa matagal nang naglilingkod si Eiser sa kaniya ay paniguradong hindi niya papatawarin kapag may nilabag na batas niya.
Argh!
"B-baka tama nga ako dahil wala naman siyang sakit? Hindi rin aksidente kasi may naihanda siyang sulat para sa akin e," nanikip ang dibdib ko sa mga katagang nabigkas ko nang mahina.
At may alam dito si Beau, alam niyang wala na si Eiser kaya pinalalabas niyang naatasan sa malayo at ng ibang misyon.
This is very easy to figure out, I'm sure that what I'm thinking is true, that "boss" killed him but if it's also true, how did that boss know?
It's not my business anymore of how he found out but I can never agree that he did that to my friend-there are three people now that I'm fighting this secret war for.
Hindi ako papayag na dahil sa kalayaan ko ay binawian ng buhay si Eiser, maghihiganti ako lalo. At dapat ay hindi ako magpahuli sapagkat maaari akong masunod ng mga walang pusong taong iyon subalit ngayon pa ba ako matatakot? Hindi. Ang nararapat sa pinunong iyon ay mabura na talaga sa mundo bago pa siya makakîtil ng ibang tao pa, mas masahol pa siya kay satanas.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...