CHAPTER 28

9 17 0
                                    

Kailan ba ulit babalik dito si Rico? Hindi na siya pumupunta rito kada Linggo kasama ang mga magulang niya.

Ilang buwan na akong walang balita sa kaniya, hindi ko rin naman matanong si sister Jade kung nasaan na ba siya o kaya ang mga magulang niya, ni hindi ko nga kilala ang mga ito.

Marahil ay tama rin ang naisip ko noon na magkaibigan lamang kami dahil hindi pa dumarating ang mga kaibigan niyang ka-level niya. Tsk, masiyado naman akong nanghusga kaagad, baka may nangyari lang kaya hindi na siya nakabalik dito... 

Siguro maayos na rin itong hindi siya bumalik para wala na akong itago pa kay sister Jade na kaibigang lalaki, hindi rin naman alam ni Rico ang tunay kong pangalan e, baka pang panandalian lang ang pagiging magkaibigan namin.

Tumingala akong muli sa krus na nakasabit sa simbahan, saglit akong yumuko bilang pagpupugay at saka tumayo na. Humingi lang ako ng tawad sa Kaniya dahil naglihim ako kay madre Jade, at hiniling ko rin na sana'y ligtas si Rico kung nasaan man siya ngayon. . .

Papalapit na ang birthday ko, pero bakit ang lungkot ko sa kauna-unahang pagkakataon? Hindi ko rin masagot ang sariling katanungan ng isip ko. 

Nakayuko akong naglalakad sa pasilyo nang wala sa isip akong mapalingon sa confession booth ni Father nang malapit na akong makarating sa pintuan ng simbahan.

"Baka mapagaan ang loob ko rito, hindi naman ako makikita ni Father e at makakausap ko pa siya, hindi niya ako huhusgahan." bulong ko sa aking sarili at bahagyang ngumiti saka na tinungo ang isang pinto kung saan nagkukumpisal ang mga bisita niya. 

Nang makapasok na ako ay isinara ko ang pinto na nasa likuran ko at naupo sa isang upuan na katapat ang harang na may maliliit na butas. "G-gusto ko pong mag-confess dito kasi naba-bother na po ako nito nang matagal na. . . M-mali po ba ako sa nararamdaman ko, Father? Nami-miss ko kasi yung isang taong ilang buwan nang hindi nagpapakita e," huminga ako nang malalim at yumuko habang kinakalikot ang mga daliri ko. "Weird po bang makaramdam nang ganito sa kaibigan mo? Baka magalit sa akin si Sister," napatikhim ako.

"Ano bang nararamdaman mo sa naturang kaibigan mo?" tugon ng malalim na boses at malaki dahil sa kulob na lugar.

Nangunot pa ang noo ko dahil parang hindi naman iyon boses ni Father dahil hindi ganoon katanda pero baka naka-quota sila na magpalit-palit kaya isinawalang bahala ko na lang. "Uhm...hindi ko po alam kung infatuation ba ito e, araw-araw na po kasi akong malungkot e, parang 'di na lang bilang kaibigan—p-parang ano po...crush? F-father, huwag niyo po sana akong husgahan pero parang may gusto na ako sa kaniya e..."

"Real–talaga? Sigurado ka ba riyan? At bakit naman kita huhusgahan? Ano bang pangalan niya?"

Kinagat ko ang labi ko sa kaba, "O-opo, sigurado ho ako. Si Rico—at ang wirdo po talaga kasi nagkagusto ako sa taong hindi ko pa alam ang apelyido." bahagya namang napatawa nang malalim si Padre.

"Kung nanaisin mo e, ibigay ko pa sa 'yo ang apelyido ko, Teresa." nanlaki ang mga mata ko sa pagkakaboses doon pati na rin sa sinabi niya, doble-doble ang pagkakabigla ko.

“ANONG GINAGAWA MO RIYAN, RICO?” singhal ko’t dali-daling lumabas ng confession booth na nag-iinit pa ang mga pisngi sa kahihiyan.

“Shh, huwag kang maingay, ang tahi-tahimik ng tahanan ng Diyos e.” tugon naman niya at lumabas din ng confession booth na suot-suot ang guwapo niyang ngiti sa mga labi kapares ang itim niyang polo’t pantalon.

I missed him! Napakuyom ako sa mga kamao ko sa pagpipigil na mayakap siya, magmumukha akong tanga.

Bakit ngayon lamang siya? Anong nangyari sa kaniya? Pero ang tanong, ano ba kasing ginagawa niya sa confession booth na ’to?

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now