BACK TO ALLIYAH'S POV
"AAAAAH-I CAN'T PLEASE STOP!"
"Just go on, Alliyah, you can do it! Push!" the doctor encouraged me more, and I did just as that as I ignored the excruciating pain and pushed and pushed for the baby to slide out of me.
"AAAAH! Woo-wooh!" ire matapos ang isang ire, buntong-hininga pagkatapos ng kamakailang pagbuntong-hininga. "A-Alexis, I can't anymore!" hinihingal kong sambit habang nakakapit nang mahigpit sa kanya.
Parang kinakatay ako nang buhay sa aking bawat pag-ire para bang ayaw ko nang ituloy pa dahil damang-dama ko na ang pagkapunit na napakasakit.
Hindi lamang ang puwerta ko ang nakararanas ng pagkawarak kundi buong katawan ko mismo sapagkat nauubusan na ako ng lakas.
Hindi man lamang ba nakatulong ang paglalakad ko araw-araw para mas mapadali ang panganganak ko?
But I should push this out no matter what! My baby and I must survive this ephemeral afflîction.
"Go, my love, you can do this. Just push, I'm here for you." bumubulong-bulong sa akin si Alexis habang marahang pinipiga ang kamay ko ni hindi ko na nga maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil mas malakas ang boses ng mga pag-ire ko.
"Here it comes! One more time, Alliyah, come on." pagu-udyok pa ni Doc hanggang sa nanlumo na ako kasabay ng pagdedeklara niyang..."It's all done, the baby is out!"
Napabalikwas ako ng upo sa kinahihigaan ko at napahawak sa dibdib kong labis ang bilis sa pagtibok...umiiyak na naman ako.
It's been three years ago but my baby Starlette is still haunting me in my dreams, a kind of nightmare that I love having everytime that I sleep. I need her, I want her, I love her.
Oo, tatlong taon na nang iwanan ko siya sa pamilya ni Glaiziel pero ano ba ang tatlong taon e anak ko iyon? Dugo't pawis ko iyon kaya parati akong nananaginip na iniluluwal ko siya...
Lalo na ang mga araw na nasa piling niya ako, na ako ang nag-aalaga sa kanya.
Kumusta na kaya siya? Sa palagay ko, siguradong mas litaw na ang kagandahan niya ngayong malaki-laki na siya.
But all I can do is to cry and cry...I thought it would only take some weeks and I'd be able to accept the fact that she's not my daughter anymore she's Glaiziel's.
Ito ang karma ko sa mga desisyon ko noon, ngayon ay nahihirapan na akong tanggapin araw-araw. At mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing iniisip kong lumalaki na siya at iba ang kinikilalang ina kahit naman mas marangya ang pamumuhay niya roon kaysa kung nasa poder niya ako.
Ngunit kahit na. . . Mabubuhay ko pa rin siya.
Mabubuhay? E hindi ba si Gly nga ang nagpaaral sa'yo sa Harvard nang dalawang taon sa Business Management upang magkaroon ng degree? Hindi ba't mas naging kwalipikado ka na sa maraming trabaho o negosyo ngayon dahil sa Master's in Business Administration mo?
Kung hindi mo iyon ginawa, malamang ay magiging matanda kang maralita sa bahay-ampunan!
Maging masaya ka na lamang na may pag-asa ka nang makaangat sa buhay habang ang anak mong si Starlette ay masaya rin sa mayaman niyang buhay sa piling ng ama niya at ng ibang ina niya.
Iyon ang kasunduan, at nasa nakaraan na iyon, kung magsisisi ka pa ay walang mangyayari sa buhay mo. Learn to move forward in life when you know that you can't undo the past.
Besides, I'm happy that I still passed Harvard University despite every painful thing that I had and is still having. And now, I have a big position in one company here in Massachusetts that I'm saving before Gly would call me to go back to Philippines.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...