Madaling lumipas ang gabi kagabi, sa kauna-unahang pagkakataon na naman matapos ang mahabang panahon ay naging masaya ako sa hapag-kainan.
Ang gaan sa dibdib na may kasalo na ulit akong kumain, at talagang lumaki na si Renz, sa susunod na birthday niya ay kasama na ako at marami kaming ihahanda.
Si Starlette kaya? Sa 4th birthday niya ba ay imbitado ako? Oo naman siguro.
Sa buong araw ngayon ay binago ko ang ayos ng buong bahay, namalengke ako para punuin ang ref, at naglagay ng mga bagong biling palamuti.
Bumisita rin ako sa bahay-ampunan upang ibigay ang mga pasalubong ko sa mga tao roon.
I was indeed in cloud 9. I felt happier than ever.
Alas syete na ng gabi at may tatlumpung minuto pa ako para pumunta sa dinner nina Glaiziel sa mansyon nila. Napilian kong magsuot ng simpleng pananamit, tanging presentableng red mini dress na pinaresan ng pulang takong din.
Ang makeup ko naman ay simple lang din nude lipstick with lip gloss, light ivory eyeshadow, light coral blush on, and a light mascara.
“Manang, aalis po ako, ha? Baka gabihin ako ng uwi, kayo na po muna ang bahala rito ulit.” pagpapaalam ko.
“Ay, makakaasa ka, ako ang bahala sa bahay.”
Dala-dala ang clutch bag ko ay lumabas na ako ng main door, at pagkarating sa gate, ay tuluyan akong lumabas pa.
Kinailangan ko pang maglakad-lakad patungo sa labasan para makapara ako ng isang taxi.
“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver sa akin nang makasakay na ako.
“Sa Montego Boulevard po,” tugon ko. Tumango na lamang siya at sinimulan na ang makina ng sasakyan.
Doon lamang ako bababa sa gate ng Montego dahil bawal pumasok doon ang mga taong walang bahay roon o hindi inimbitahan ng kahit sinong resident do’n.
“Ali!” bati sa akin ni Glaiziel na kakabukas lamang sa gate I’ve arrived for about 7 minutes now.
I surmounted my fear and nervousness and just faced the ordeal in front me. I rang the doorbell earlier and it was Glaiziel who came to fetch and welcome me first.
“Glaiziel!” nagagalak ko ring tawag sa pangalan niya sabay pakikipagyakapan sa kanya.
Mahigpit at may katagalan sa puntong mararamdaman talaga namin ang pananabik sa isa’t isa.
Hinahagod niya ang likod ko na nagsalita, “It has been so long, you became prettier by the air of USA.” animo’y mapanudyo niyang komento sa akin.
“Ay sus, and you became brighter than the moon itself above us.” papuri ko naman sa kanya at natatawang kumalas na.
Dinakip niya ang isang kamay ko, “I’m so happy to introduce you to my–our family! They are all waiting for us inside.” at hinila na ako pasunod sa kanya. Ngumiti na lamang ako at sinundan siya sa tinatahak niya.
I am prepared but unnerved and also excited, smiling from ear to ear.
Itinulak niya pabukas ang pangunahing pinto at maaliwalas at maliwanag na interior ang unang bumati sa akin nang pumasok na ako sa pamilyar na bahay.
Inilagay ni Gly ang kamay niya sa likuran ko at sabay kaming naglakad patungo sa dalawang babaeng nakaupo sa couch sa salas.
“Ate Ashianna and Avi, this is my twin sister, Alliyah. Please be kind to her, I just met her some days ago and I love her so much.” pakilala sa akin ni Gly sa kanila at lumingon sa akin para ipakilala rin sila.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...