CHAPTER 21

8 15 0
                                    

Iminulat kong muli ang mga mata ko at nabiglang nakahiga na ako nang tuwid sa isang malambot na kama. Para na namang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit pero walang mas ikasasakit ang dinidibdib ko ngayon.

Tsk, wala talagang kwenta ang alak, bumalik din ang lahat-lahat.

Binuhat ba ako ni Eiser patungo sa kuwartong ’to? Ang huling naalala ko kasi kagabi ay nasa sofa pa ako e.

Siguro nakatulog ako kaya magmalasakit na lamang siyang dalhin ako rito para makatulog nang maayos.

Napabalikwas ako ng upo nang may kumatok sa pinto, “Argh,” mahinang daing ko at humawak sa ibabaw ng ulo ko, bwîsit ang bigat, parang ang sarap tanggalin ng utak ko.

Iyan, kasalanan ko rin ito, ginusto ko e.

“Cheri? Wake up, kailangan na tayo ni Herb ngayon, hinahanap na tayo roon!” pag-imporma niya na ikinapasok ng enerhiyang hindi ko alam kung saan nagmula at napalundag ako pababa ng kama.

“YEAH! I’m awake, dadalian ko lamang paglilinis ng katawan at aalis na tayo,” sagot ko at natigilan nang magbukas ang pinto at pumasok si Eiser na bihis na bihis na; naka-black leather jacket at pantaloon siya, nakasabit lamang sa mga tainga niya ang dark shades niya.

Nakahihiyang nakaligo na siya’t lahat-lahat tapos ako rito ay buhaghag ang buhok na malagkit na, pakiramdam ko tuloy ang baho ko na, amoy alak pa naman ang bibig ko.

“Good that you’re awake already, good morning. Sige, maligo ka na roon, the fresh towel and toiletries are available in there; dadalhan din kita rito ng masusuot tapos mag-drive thru na lang tayo para sa almusal.” aniya sa akin na ikinangiti ko at ikinatangu-tango.

Grabe naman pala.

“Yes yes, thank you for your kindness.” tila hinihingal kong sambit at kumaripas na ng takbo papunta sa banyo na naririto sa kuwartong ’to.

Patamad-tamad pa ako kanina e hanggang sa napagtanto kong wala pala ako rito para magliwaliw, hindi ko ipinagpalit ang negosyo’t pamilya ko para lamang hindi magtagumpay sa misyon kong ’to.

Tss, what’s hangover? This cold shower totally woken up my whole body.

“This is the basement of Mr. Koriyaki where he operates his deeds, he is our enemy so he must die.” maanghang na saad ni Alexis at tumingin sa gawi ko, “Gly, you’ll go in first to make sure that he’s there not only his boys, and then alert us, we’ll follow you.”

Bigla akong kinabahan pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila sa blanko kong ekspresyon at tumango na lamang.

Kaninang umaga kami umalis pero ngayong gabi lamang ipapatupad ang pinag-usapan namin kanina—sa gabi naman talaga gumagalaw ang mga kriminal, kaya gabi rin noong nawala ang mga magulang ko.

Nakasuot ako ng black leather attire; long skintight pants and skintight sleeveless top, a black leather boot with some furs around the rim, a belt that carries my gû.n, a tracker black watch, and an eye mask.

Ang buhok ko ay mahipid na nakatali na parang nirolyong tinapay sa tuktok ng ulo ko; gothic style ang makeup ko lalo na sa black lipstick na inilagay sa akin.

Gosh, another risky thing to do but that’s the sacrifice, so.

Bumaba na ako ng van namin, “Good luck, Lotus, just be reminded that we are backing you up.” baritonong saad ni Eiser na alam kong pampalubag loob kaya ngumisi ako pabalik.

“I know, Smoke.” ani ko at isinara na ang pinto. Tumingin ako sa malayo kung saan may malaking building na pinakinisan na ang pader pero wala pa ring pintura.

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now