“B-bakit? Bakit hindi? Dahil ba sa mahal mo na ako? Mahal mo rin naman noon si Gly pero matapos noong nalaman mo, nawala iyon, di ba? Ano iyan, lumipat sa akin?” sunud-sunod kong tanong sa kaniya na kaagad niyang ikinailing.
“My love for you? I don’t want you to think that I’m just infatuated with you because I’m not. Marahil nga ay lumipat sa iyo ang pagmamahal ko? Na hindi ko naman sinasadyang mangyari.” aniya na nagpatikom sa bibig ko. “I mean, I’ve always been in denial lately but I realized now, that denying it will just make me crazier,” tumawa siya nang bahagya. “You know, I’m not really that expressive when it comes to this thing but I assure you that I’m not nonchalant.”
Tumango ako sa pagkaka-unawa, “I know.” tugon ko na bahagya naman niyang ikinangiti. “In fact, hindi ko pa alam ang magiging reaksyon ko rito, Alexis pero naiintindihan kita.”
“Hey, I’m not rushing you.” malumanay niyang sambit pabalik. “You can take your time. Decide. Then talk, I’m willing to wait regardless of what the answer will be.”
I smiled tightly, almost painfully, “T-thanks. By the way, ito ba iyong dahilan kung bakit ka balisa nang maraming araw?” I asked, my voice returning to its normal tone.
Tila nag-isip pa siya nang malalim at alinlangang mapangkumpirmang ngumiti sa akin. “Yes,” nagkibit-balikat siya, “my heart was really battling with some complications.”
“Ah, e kumusta na ang pakiramdam mo ngayon? Ayos ka na ba?” may pag-aalala kong tanong at natuwa nang tumango siya.
“Yea, I guess. Thanks to you.” sagot niya at pabuntonghiningang sumandal sa backrest. “I’m sorry if I was not myself these previous days.”
“No need to say sorry, ang mahalaga ngayon ay ayos ka na...hindi ba? Gusto mo bang ipagtimpla kita ng honey tea? Iyon kasi yung nakita kong ginagawa mo kanina.” pagtatanong ko. Lumingon naman siya sa akin at tinutop ang bibig niya.
Iiling na sana siya nang unahan ko na siya, “Sige, magtitimpla ako para sa ating dalawa.” banggit ko pa at tumayo na.
Napatigil ako sa paghawak niya sa kamay ko, “Sa ating dalawa? Iinom ka rin?” tumango na lamang ako. “I was about to decline but okay, thank you in advance.”
“My pleasure, it’s not that hard to prepare tea.” usal ko at marahan naman niyang binitawan ang kamay ko.
“No. I mean, thank you...thank you for caring for me, for my mental state, you always help me to release some burdens and I appreciate it so much.” nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at nahihiyang napangiti.
“You’re welcome,” halos wala na akong boses kung sumagot at umalis na sa harapan niya.
5 days have passed after Alexis confession, and I’ve been thinking about it everyday and everynight.
He has already called a wedding planner for us that we’re going to meet on Sunday.
Pero bukod pa iyon, iba iyong manliligaw siya sa akin oo, asawa na sa papel kung sakali tapos manliligaw pa rin pala sa praktikal.
Ngunit kailangan ko munang iwanan sa likod ang bagay na tungkol sa pamilya, dapat tutukan ko muna ang pakay ko ngayon.
“I don’t think we should do it today, Veronica. Ang daming nakapila para sa kaniya oh, paano tayo mapipili nito o mapapansin man lamang.” mahinang turan ko sa sekretarya ko habang nakayakap ako sa folder.
Nandirito kami ngayon sa ground floor ng kumpanya ni Alexis, nag-aabang sa pagdating niya. Ngunit mukhang wrong timing dahil ang dami ring nag-aabang sa kanya rito na mukhang mas may potensyal na mapiling pirmahan ang kontrata nila dahil medyo may pangalan na sila sa industriyang ’to.
YOU ARE READING
MIRRORED FATES
RomanceMinsan ka na bang naging mapagpanggap? Mang-uuto? Taong mapagtago? O mapanlinlang? Dagdagan ang Kaalaman Hindi kailanman nabibisto ang isang sikreto kung ito'y kinikimkim lang sa puso. Napag-aalaman lang ito kapag may kalakip nang pagsisinungaling...