Chapter 20

31 16 0
                                    

Chapter 20

Tricia's POV

  Halos karamihan sa bisita ay mga amiga ni Abuela. Some of them ay mga nasa alta sociedad dito lang din sa probinsya. Karamihan ay mga tauhan niya sa farm, mga kaibigan niya sa palengke, halo-halo lang. Hindi na kami nag-imbita ng mga kaibigan mula sa Maynila. Mga kaklase ni Zoey at mga inflencers na close friends namin ni Bonnie, I just want some privacy in social media sa ngayon. May mga bata rin namang dumalo na kasama ng mga kaibigan ni Abuela, mga apo o mga anak ng mga ito. Madali lang kay Zoey ang makipagkaibigan sa mga ito kahit minsan iniisip niya na parang di siya gusto ng maraming nakikilala o nakakakilala sa kanya.

  Sa music hall inihanda ang mga upuan at lamesa para sa mga bisita. Ang party naman for the kids ay inihanda sa grass area kung nasaan ang mga kabayo. Dahil nga unicorn at cowgirl and cowboy theme ng birthday ni Zoey, nilagyan pa ng rainbow horn ang puting kabayong si Leila at ang dalawa pang kabayo na narito. Pinanonood ko lang ang mga bata habang masayang pinanonood ng mga ito ang magic tricks ng dalawang clowns na imbitahan rin ni Abuela.

  Zoey waved at me nang mapansin ako nito sa di kalayuan. I just smiled at her. Mayamaya ay bigla nalang lumitaw si Nico sa tab ko. O baka di ko lang talaga napansin dahil focus ako sa panonood roon. "Can we talk?" Nico asked me. Wala talaga akong gana makipag-usap sa kanya ngayon. Not with anyone, lalo na kay Noah. Bigla kong naalala yng nangyari kahapon...erase erase, Tricia. It was just an accident, I mean nadala lang ako.

  Binalik ko ang tingin sa mga bata at kay Zoey. "I don't mean to confuse you, Tricia. Ayaw ko lang naman na masaktan ka."

  Hinarap ko siya. "Birthday ni Zoey, wag na muna nating pag-usapan yan."Tinalikuran ko na siya ulit when Nico talked again.

  "Ayokong magmukhang naninira ako. Oo, mahal kita, Tricia.  Pero hindi ko sinasabi dito dahil lang dun. I'm just tryng to protect you from him. Nasaktan ka na nga niya noon di ba? Ano, babalik ka ba sa kanya?"

  Napatigil ako. Babalik ba ako sa kanya? Nico's presence now already confuses me, tapos he told me something yesteday he found out about Noah that confuses me even more? Although, hindi dapat ganun eh. Dapat mas naging sigurado ako kung sino talaga dapat yung piliin ko. But things happen na alam ko sa sarili kong ginusto ko because that's what I feel at that very moment.

  "I have a little surprise for you." Tumingin ulit ako sa kanya. "...maybe this will make your mind."

Binaling ko na lang ulit ang pansin kina Zoey at di ito pinansin.

  "Noah and I are going to play the piano." Di ko na rin napansin pa ang paglapit ni Tia hanggang sa magsalita ito. "...will you watch us? Please, i"m nervous." I didn't know that. Marunong pala siya tumugtog ng piano at si Noah din. Tumngin muna ako kina Zoey may mga guards naman at andito rin ang ilang matatandang bisita na binabantayan ang kanya-kanyang kasamang bata. Ang mga helpers din, di rin naman kalayuan ang music hall from here.

  "Sure. Ngayon na ba?"

  "Yeah, in a bit." Sagot naman ni tia at sumama na nga ako dito leaving Nico there.Nilingon ko pa siya bago nagpatuloy a paglalakad. Inalalayan naman ako ni Tia. Mabait talaga ito.

  Pagpasok sa hall nagpeperform si Bonnie para sa mga ito. Akala mo concert niya eh. es singing a song called Sit Still, Look Pretty by Daya. This queen don't need a king lang ang peg.. Na wala sa tono. tuwang-tuwa naman si max sa kanya, malapit lang siya sa kinatatayuan ko at pinanonood niya ito. Ayokong mag-isip, but I feel something a little bit weird and fishy. But he's married with kids...ang dumi ng utak ko.

  Matapos itong kumanta, pabiro pa itong umirap sa mga audience niya at tumawa lang pagkatapos. Mayamaya pa ay tinawag na si Tia at Noah na di ko na pinansin mula pa kaninang umaga. Kahit kasi ayokong isipin yung mga sinabi sa akin ni Nico, hindi yun mawala sa isipan ko.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon