Chapter 37

7 2 0
                                    

Chapter 37

  I had to stay in the hospital for the night at sinamahan naman nila akong dalawa. Okay naman daw ako sabi ng doktor, epekto lang talaga ng sobrang stress ko kanina. Normal lang din daw for pregnant women lalo sa first trimester ng pagbubuntis. But still I know I have to be careful. Hindi planado ang pagkakaroon ko ulit ng anak kay Noah pero wala din naman akong choice but to keep it. After all, this is also my baby. Actually, just my baby.

  "Wag kang mag-alala, ako'ng bahala. Lintek lang walang ganti sa lalaking yan." Anang Bonnie habang naglalakad na kami palabas ng ospital. Nauna nang umalis si Phoebe dahil may meetings pa daw siya at aayusin din ang mga nakatakda sanang activities ko ngayon. Kailangan ko pa ulit ng isa pang araw ng pahinga para masiguro din na magagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

  "I'm already in contact with that girl. Pipilitin ko talaga siya to talk about Noah."

  "Thanks."Yun lang ang matipid na pasasalamat ko sa kanya saka tahimik na kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may makasalubong kami.

  Kailan ko ba siya huling nakita? Nung nasa La Union kami after Noah punched him in the face. Napaka-coincidence na nagkita kami ngayon dito.

  "Nico..."

  "Tricia, Bonnie, bakit kayo nandito?"

  Tinignan ko si Bonnie para siya na ang sumagot. Pinanlakihan ng mga mata para wag sabihin ang totoo dito, siya din ang pinasagot ko sa dami ring tumatakbo ngayon sa isipan ko. I just can't think of any excuses.

  "Ahh, sumakit kasi yung tyan ko last night. I had food poisoning, nagtae ako. " Natawa ako kasi ang daming pwede niyang sabihin na dahilan, yun pa talaga, seriously? "Buti na lang andito si Tricia eh."

  Nico looked at me at medyo awkward pa din talaga ang nararamdaman ko everytime he's around.

  "Ikaw ba't ka nandito?" tanong ko naman sa kanya habang nakatayo pa rin kami dito.

  "Just had a grounbreaking here. This hospital is extending their property kasi and kami gagawa nun." Napatango-tango na lang ako with a smile at di na alam ang sunod na sasabihin.

  Nung biglang malakas na tumunog ang phone ni Bonnie at nagpaalam na muna ito para lumayo saglit at sagutin yun. Nico and I had 5 minutes of awkward silence hanggang sa bumalik na si Bonnie telling me na di na niya ako maihahatid pauwi dahil tumawag ang manager nito for something important. Doesn't really matter kasi I can book a grab ride naman. Hanggang sa magpresinta naman si Nico na siya nang maghahatid sa akin.

  "Sure ka okay lang?," Bonnie asked him pero kinontra ko na lang din.

  "No, I'm fine. Maggrab na lang ako."

  "Anong grab? No. Hindi ka pwedeng mag-isa noh? Baka mamaya niyan, mahilo ka na naman ulit." Nanlaki ako ng mata kay Bonnie when he said that dahil ayokong kung ano ang maisip ni Nico. Ayokong may ibang makaalam na buntis ako, hindi rin naman nito kailangang malaman.

  Akala ko magrereact si Nico sa sinabing yu  ni Bonnie but he remained silent habang nakikinig sa aming dalawa.

  "Pahatid ka na sa kanya." Bumaling si Bonnie kay Nico. "...okay lang right?"

  "Yeah. Wala naman akong gagawin."

  I took a deep breathe saka sumang-ayon na nga rin.

Binigay ko kay Nico ang bagong address ko at inihatid naman niya ako doon. Akala ko magiging awkward buong isang oras na byahe namin, but Nico just started some topics at naging komportable naman ako sharing my thoughts about it.

  "...si Zoey, he doesn't really like Noah that much. Mas gusto ka pa rin niya obviously." Even sa topic nga na to, it didn't feel awkward telling him the truth.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon