Epilogue

7 1 0
                                    

Epilogue

Noah's POV

"Okay, deal." Pagsang-ayon ko na lang kay Tricia sa naging desisyon niya. I respect that, pero tignan natin kung hanggang kailan niya kaya.

Bumaba na rin ako ng gazeebo sabay paghubad na rin ng basang shirt na suot ko. Napansin ko namang napatingin at napatitig sa katawan ko si Tricia kaya napangisi na lang ako. Hindi pa nga ako ume-effort pabigay na eh.

Lumapit ako sa kanya and tap her chin. "Baka tumulo laway mo. Bawal mo na akong pagnasahan mula ngayon." At nauna na ring ako sa kanya na bumalik sa mansyon.

I'll do everything to win her back. I don't care how long it will take me, pero papatunayan ko sa kanya how badly I want this family. How badly I want her back kasi ganun ko siya kamahal.

Pagbalik ko ng mansyon, I saw Zoey and Nico hanging out together in the living room. I'm not gonna lie, that makes me feel really jealous, and I still hate him for being a part of Zoey and Tricia's life. Bukod pa dun, malaki din ang kasalanan niya sa akin for being the mastermind of the reason kaya ganto ang sitwasyon namin ni Tricia ngayon. Kung di niya inutusan si Yngrid to work with me, hindi sana nangyari ang lahat ng yun, masaya na sana ang pagsasama namin ni Tricia ngayon. Masaya at buo ang pamilyang binuo naming dalawa.

But since pilit din naman niyang inaayos ang mga kasalanan niya, okay, kahit papaano abswelto na rin siya. I can also see na masaya si Zoey na kasama siya, I feel jealous pero mas gusto ko pa ring makita na masaya siya. Sana nga lang, maging okay na rin kaming dalawa.

"Bakit ba kasi dinala-dala mo pa yan? Pwede namang kayo na lang ni Mommy."

"Zoey, he's still your real dad. Saka ayaw mo ba nun? You have 2 daddies now." Papasok na ako ng kwarto nun. Sa kwarto kung saan kung saan din kami natulog ni Tricia nung unang beses kaming nandito. Pero rinig ko pa din ang pag-uusap ng dalawa.

"But Mommy can only have 1 husband."

"And that can't be anymore. But don't worry, kapag sinaktan ulit ng Daddy mo ang Mommy mo, ako unang sasapak sa kanya. Deal?"

Sasapak daw? Eh wala ngang nagawa yan nung suntukin ko nung sabihin niya sa akin lahat-lahat sa mga plano nila ni Yngrid. Ganun din when I punched him for the first time matapos niyang muntik halikan nun si Tricia. Subukan niyang umepal ngayon kay Tricia lalo pa na binasted niya ako.

Pagpasok ko na ng tuluyan sa kwartong yun, nagulat ako na handa na pala ang lahat para sa panganganak niya anim na buwan mula ngayon. Hindi na rin ako makapaghintay na dumating ang araw na yun.

"Anong ginagawa mo dito?" Paglingon ko, I saw Tricia na halatang naguguluhan kung bakit ako nandito sa kwarto na to.

"Magpapakatatay, di ba sabi mo okay lang?" Confident na sagot ko naman sa kanya at saka hinila na ang mga maleta ko na Abuela din talaga nito ang nagpadiretso dito.

"Eh, kwarto ko to eh, bakit anak mo ba ako?"

"Baby ko." Pilosopo kong sagot sa kanya at halatang di niya nagustuhan yun.

Napakunot siya ng noo saka napairap pa nga. "Labas."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa bandang braso para siguro hilahin palabas ng kwarto. I'm still not wearing any shirt, bigla na naman siyang napatingin sa katawan ko kaya napangisi naman ako. "Sure ka gusto mong lumabas ako?" May panunukso sa tono ko. Napaangat naman siya ng tingin sa'kin nun. Napatitig na lang din ako sa singkit na mga mata niya, na lalo pa niyang pinaniningkit ngayon. "Feeling gwapo ka talaga noh?"

"Bakit, hindi ba?" Confident ko namang sagot sa kanya.

"Labas na." Tumalikod na ulit siya sa akin nun hawak pa rin ang kanang braso ko. Pero hindi ako nagpadala sa kanya, instead, I lift her up like a baby. "Ibaba mo nga ako." Nagpupumiglas siya at nagpapadyak pa pero hindi ko pa rin binitiwan ito.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon