Chapter 31

10 2 0
                                    

Chapter 31

  When Noah got back, nadatnan niya si Zoey na nasa kwarto naming dalawa at umiiyak. Bigla na lang daw itong nagising sabi ni Tia na siyang kasama nito sa kabilang kwarto; I actually heard her cry kaya pumunta ako dun to check on her; maybe she just had a bad dream, I don't really know. Basta ang alam ko paulit-ulit lang din niyang tinatawag ang pangalan ni Noah looking for him. Pagpasok pa nga lang nito sa kwarto agad na rin siyang bumaba ng kama at patakbong lumapit dito saka yumakap. Ngayon buhat-buhat na ni Noah si Zoey habang nasa terasa sila, habang pilit niyang pinapatulog ito. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila at hindi ko rin alam kung bakit nangingilid ang luha ko ngayon habang pinagmamasdan sila. Hanggang sa bigla na lang mapalingon sa akin si Noah habang nakaupo naman ako sa kama. I had to smile para di mahalata nito. Bakit ba kasi di mo mapigilang madala sa kanya, Tricia? Huminga na lang ako ng malalim ng alisin na ulit nito ang pansin sa kanya. Nang mapansin kong parang tulog na si Zoey bumaba na muna ako ng kama at nilapitan sila.

  "I think she's sleeping." Noah looked at me and he checked on Zoey. When he confirmed tulog na nga siya pumasok na rin siya ng kwarto at sumunod ako. Akala ko dadalhin pa niya si Zoey sa kabilang kwarto ng ihiga na lang niya to sa kama naming dalawa.

  "She better sleep here para paggising niya kasama niya tayong dalawa." Napatitig pa ulit ako sa kanya. Habang siya naman tuon lang kay Zoey habang nakaupo sa tabi nito. Ayaw ko mang aminin, but I can see love in his eyes for Zoey. Yung parang ang saya-saya lang din niya na dumating si Zoey sa buhay niya. Although he wasn't initially. Pero bakit kasi ngayon lang? Kailangan pa ba talagang mangyari lahat ng nangyari para lang ma-realized niya how importante Zoey is in his life? Bakit kailangan pa niya kaming saktan bago niya ma-realized na mahal niya pala kaming dalawa? No, tricia, yan ka na naman eh. That doesn't change anything. I don't even care if he had a change of heart, I don't even care kung ano pang na-realized niya. Nasaktan pa rin niya ako, hindi lang isang beses, at masasaktan lang ako palagi kung pipiliin kong makasama namin siya.

  "Daddy loves you, too, Zoey." Nang marinig ko yun hindi ko na talaga napigilan pa ang emosyon ko. Tumulo na lang ang luha sa mga mata ko and Noah looked at me. "Are you crying?" Tumalikod ako para ayusin ang sarili ko.

  "Di ah." I denied nung maramdaman ko ang biglang lumapit to sa'kin at yakapin na lang rin ako mula sa likuran ko.

  "Let's get married." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

  I looked at him nakadantay ang baba sa balikat ko. "Ha?" I actually heard that, I if I heard it right?

  "I wanna marry you. I want you, me and Zoey to be a real family." Parang nagtatalo ang puso't isip ko. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Di naman ako nakasagot dun hanggang sa kumalas na si Noah mula sa pagkakayakap sa akin. "But it's okay if you're not ready yet. I can wait. I know you still hate me a little bit."

  Nilingon ko naman siya nun. "A lot actually." I corrected him. He smirked at looked at me with that smile. Yung mga ngiting dahila kung bakit maraming babae ang lokon-loko at naloloko niya.

  He checked on Zoey at inayos lang niya ang pagkakahiga nito pagkatapos ay tinungo niya ang banyo para magbihis.

  Gumising kami na pinagigitnaan si Zoey. Halos sabay-sabay kaming nagising ng mga ito. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa hanggang unahin niyang yakapin si Noah at hinigit naman siya nito para yakapin dito.

  "How about me, baby?" Nagtatampong sabi ko pa kay Zoey nang iabot naman ni Noah ang kamay sa akin. I was actually hoping for Zoey to hug me alone but I just took Noah's hand anyway at umusog ako mas malapit pa sa mga ito and hug both of them. Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang segundo hanggang magreklamo nang di makahinga si Zoey at pilit na ring bumangon. Pagbangon niya naupo siya and gave me and Noah a kiss on our cheeks  bago magpaalam na rin siyang babalik sa kabilang kwarto para magbihis para makapag-almusal na.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon