Chapter 33

7 2 0
                                    

Chapter 33

"I was trying to contact you...ni hindi ka man lang sumasagot."

"I'm on a vacation kasi. I'll call you back pagbalik namin ng Manila."

"So, may bago ka?" I'm on the phone with April. Sumulyap muna ako kay Noah na nasa terasa kalong kalong si Zoey sa sa upuan sa harap ng lamesita doon, si Tia naman ay nakaupo on the opposite side while having their breakfast. Huminga ako ng malalim, nabibwiset talaga ako pag nakikita ko si Noah. Maski likuran lang nito, kahit naamoy ko pa nga lang. Hays...Pinilit ko ulit na kumalma saka sumagot kay April mula sa kabilang linya.

"I have and I'm sure you'd love this. But unfortunately, I can't give it to you right now, may kailangan pa kasi talaga akong gawin to make it more effective."

April chuckled. "Naexcite ako dun ah. Di na tuloy ako makapaghintay."

"Kalma ka lang, pareho naman tayong makikinabang ng malaki dito." Napansin kong nakatingin sa akin si Noah kaya nang balingan ko siya ay ngumiti ako ng malaki dito para di siya makahalata. "I have to go baka kasi makahalata..."paalam ko na rin dahil kasalukuyan ko pang inaayos ang mga gamit namin para umuwi na bukas. After ng fiesta kasi, uuwi na rin kami kinabukasan dahil kailangan na naming bumalik sa trabaho. Babalik na rin ang friends ko sa iba't ibang bansa kung saan sila talaga nakabase.

"Okay, see you na lang pag okay na. But I'm still gonna write this article about you and Noah ha?" I actually just saw her video talking about me and Noah getting back together. The fans are furious about it, lahat galit pa din sa akin at ayaw magtiwala sa akin. They don't want me for him at ganun din naman ako para sa sarili ko. But I'm gonna have to live with it for awhile, hanggang sa mangyari na lahat ng gusto kong mangyari.

"Okay. Ikaw bahala. As long as I can trust you with all of this."

"Sureness. Basta kaunting lagay din." Mukhang pera din talaga tong isang to. Halos pagkakitaan na nga rin niya bong buhay ko eh. Eversince the first time I asked for her help, ako na lang palagi ang topic niya, minsan pa nga sinisiraan pa. I just didn't mind kasi wala na talaga akong pakialam sa kahit ano pang bagay na may kinalaman sa career ko. Parang di na ako takot mawalan ngayon at gusto na lang magfocus sarili ko, basta pagkatapos ng lahat ng to.

"I'll wire transfer you. Just text me na lang the details."

"Ayun. Okay' I'll hung up now." Mabilis pa sa alas kwatro binaba na niya ang telepono. At mabilis din nitong sinend ang details ng bank account niya at di na rin naman ako nagpaligoy-ligoy pa. I just sent her the exact amount din na sinabi nitong gusto niya. 20,000pesos lang naman.

Matapos mag-impake naligo na muna ako. Kumain ng breakfast pagkatapos, hinintay naman ako nina Noah na tapos ng kumain. Mamaya pang gabi ang coronation night ng beauty pageant kaya pinilit ako ni Noah na magpacheck up na muna para mas masigurong buntis nga ako at maayos kaming kalagayan. Pwede naman kasing pregnancy tests na muna, pero kunsabagay mas okay na rin para sakaling may problema maagapan pa.

I was initially hoping na hindi ako buntis but I just know my body. Wala na rin akong choie kundi ang tanggapin yun.

Medyo tense pa ako while waiting for the result habang nandito kami sa isang private hospital dito pa rin sa La Union. Katabi ko si Noah habang nakaupo lang kami sa upuan sa opposite side ng table ng doktor. We were just waiting for her habang kinukuha ang resulta ng mga test sa akin from their lab. Noah held my hand at napatingin naman ako sa kanya.

"Pwede ka na ulit tumakbo." Nagkunot noo at tumawa lang naman siya.

Tapos bigla niya akong dinampian ng halik sa labi. "I will not do it again."

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon