Chapter 36

9 2 0
                                    

Chapter 36

Tricia's POV

"You accepted it?" tanong sa akin ni Noah after I told him about the offers Phoebe told me about kanina. He doesn't look like he liked what he heard pero wala naman dapat siyang pakialam dun. Sinabi ko lang naman sa kanya yun para di na siya magtaka pa pag nagsimula na kaming magtrabaho together with Yngrid. Napapaisip tuloy ako ngayon na baka ayaw niya kasi may tinatago talaga silang dalawa.

"Hindi pa, but I am." Sagot ko naman sa kanya looking at his eyes. His really worried, I can't take it anymore kaya nagtanong na ako. "Ba't ba parang worried ka? Worried kang may makita ako? May tinatago ka ba?" Kumunot naman ang noo niya saka umirap pa.

"Pinagsasabi mo? I'm just worried kasi buntis ka. Pwede naman kasing dito ka na lang muna."

"Tss." I'm not buying that. Halata naman na he is worried about something else. "Pag may nalaman talaga ako, di mo na kami makikita." Binalik ko na lang pansin ko sa pagkain pagkatapos ay tumayo na rin ako dala ang mga gamit na plato sa kusina. Nauna na kasing natapos sina Zoey at Tia sa pagkain at kasalukuyang nasa sala. Saglit pa nung sumunod na rin sa akin si Noah.

"Ako na." Pagpresinta niya but I just ignored him. Tumayo siya sa tabi ko at sinsiko-siko pa nga ako. "Ako na nga. Ayokong napapagod ka."

I looked at him for a second saka inirapan lang siya. Tinuloy ko pa din ang paghuhugas habang nagpupumilit naman siya. Pilit niyang inaagaw sa akin ngayon ang isang plato na nakatutok sa nakabukas na gripo. Napapikit na lang ako ng bigla akong wisikan nitong tubig sa mukha gamit ng kamay at mga daliri niya. Pagkatapos ay tumingin naman ako sa kanya.

"Seriously?" Gumanti ako sa kanya sa inis sa kanya. Pero hindi pa din siya nagpatalo at inulit pa yun. Hanggang bigla na lang magbago ang mood ko mula sa pagkainis natalo na lang ako dun.

"Ako na sabi. Pag di ka pa umalis di na lang damit mo mababasa sayo." Napairap ulit ako sa kanya pero sa pagkakataong to, nakatawa na. Nahampas ko pa nga siya bago nagpaubaya na rin lang.

"Fine, ikaw na.Puntahan ko na muna sina Zoey." Paalam ko na at aalis na rin nung pigilan niya pouting his lips asking for a kiss. I rolled my eyes but gave it anyway saka pinuntahan ko na lang muna sina Zoey na nanonood ng kung ano sa iPad nito.

"Boring naman yan Zoey eh, lipat mo na." Tia asked Zoey nung pagdating ko dun.

"Fine, ikaw naman mamili." Hindi naman madamot si Zoey and she really know how to share everything. Pagkaupo ko sa tabi ni Tia he's selecting a video to watch. Mga random videos lang din na lumalabas doon hanggang sa mapatigil sa isang interview video ni Yngrid. The title maybe caught her attention, ako din naman. Yngrid nililigawan na ni Noah.

Nagkatinginan pa nga kami ni Tia nun at parang pareho ang naiisip. "Gawa-gawa ng kwento." Anang Tia. Mali pala ako, magkaiba kami ng iniisip. Iniisip ko kasi na baka totoo ngang may something na silang dalawa and they are just trying to hide it. I don't know why Noah is here though, pero siya din mismo kasi yung ayaw i-confirm that we're back together at actually living together now. Yun nga sana yung gusto ko di ba? To let people know about it, para sa mga plano ko. Kaya nga I am giving them hints even if I can't confirm it for now.

Ngumiti na lang ako because that ruined my mood again. Tia just scrolled down saka nang makapamili ay inilapag ulit ang iPad sa lamesita sa harap naming tatlo. Nakaupo nga pala sila sa sahig on our white carpet. Huminga ako ng malalim saka mamaya ay sumali na rin si Noah sa aming dalawa. I looked at him saka inirapan siya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa saka tinungo ang kwarto naming dalawa.

"Bakit na naman?" Pahabol pa nga niyang tanong na di ko sinagot. Pagdating sa kwarto, nahiga na lang din agad ako. Ewan bakit may luhang biglang pumatak sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang presensya nito na tumabi agad sa akin. He touched me on my shoulders pero imbes pansinin pinilit ko na lang na makatulog na ako.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon