Chapter 45

4 1 0
                                    

Chapter 45

"Nat-nat ang ganda-ganda mo pa din," Napatingin kami kay Mom matapos yung sabihin ni Daddy sa kanya. Natawa na lang din naman pagkatapos, though parang di naman nagustuhan yun ni Mommy because she just rolled her eyes saka umiling-iling.

"Yiieeh, kunwari pa si Mommy eh, kinikilig naman," panunukso naman sa kanya ni Frankie na siyang katabi niya. We are in a restaurant having our lunch together. Lumuwas si Dad to pick us up, yup, ito nga yung huling araw namin dito sa Manila at ang unang araw din nang pagsisimula ko ulit.

Tinutusok-tusok pa ni Frankie ang bandang bewang ni Mommy with his point finger. "Wag mo nang pigilan, Ma." Doon naman siya tinignan ni Mommy ng masama kaya awtomatiko na rin ang naging pagtigil nito at bumalik na lang sa pagkain.

"Kung akala mong madadaan mo pa ako sa ganyan mo, David, nagkakamali ka."

"Wait, I just gave you a compliment, wag ka namang assuming masyado."

"Boom panes!" Sabad ulit ni Frankie and I saw Mom rolled her eyes again.

"...pero sabagay, wala din namang masama dun. Single ako, single ka naman, at sabi nga nila, love is sweeter the second time around." Anang pa ulit Daddy habang nakatingin kay Mommy, nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesa na ito habang nasa magkabilang banda naman kami nito. Me, Zoey and Tia on the left side, sina Frankie at mom on the right.

Tumingin din si Mommy dito. "Love is sweeter the second time around, pinagsasabi mo, eh wala naman tayo nun. Manahimik ka na at baka kung ano pang pumasok sa isip niyang anak mo at bumalik pa sa kalahi mo." Natatawa pa ako sa kanila hanggang sa banggitin ni Mom iyon.

Hinawi ko na lang ang buhok patungo sa likod ng tenga ko saka nagfocus sa pagkain.

Hanggang bigla akong balingan na nga ng tuluyan ni Mommy. "Panindigan mo sana yang desisyon mo, wag kang magpapaniwala dito sa Daddy mo, nagawa niya ng isang beses, gagawin niya ng paulit-ulit, eh hindi nga lang ata dalawang beses niyang ginawa yan sayo."

"Oo na, Ma, paulit-ulit eh." Binalik ko ang tingin sa kanya para lang sabihin yun.

"Gano'n ba yun? Hindi ba kami pwedeng magbago? A man could change for the girl they love."

"Coming from you? Really?" Di na talaga nagbago si Mommy sa kasungitan at katarayan niya. But I feel like she doesn't hate Dad as much as she did before.

Pagkatapos naming kumain, it's time for us to go. Of course, kami lang nina Daddy ang aalis with Zoey and Tia. Sasama sa akin si Tia dahil di pa naman nagpapakita si Noah to atleast pick her up. Sina Mom at Frankie, maiiwan sa condo ko. We already abandoned Noah and I's shared condo, wala lang, to move on maybe?

"If you ever change your mind, remember I'm always available." Pahabol pa ni Daddy kay Mommy. Nasa tapat pa kami ng condominium building namin, bumalik kami dito pick up our things at ihatid na nga din sina Mommy. Kakatapos lang ipasok ni Dad lahat ng mga maleta namin sa trunk ng dala nitong kotse.

"Hindi na magbabago ang isip ko. Pero masaya ako na atleast nagpapakatatay ka na sa mga anak mo."

"Nagbago na nga kasi ako. Ayaw mo lang subukan." Napahagikgik na lang kami sa sabihin na nating tuksuhan at ligawan nila. Kung sakali, I'll be happy for them, hindi ko lang talaga alam kung posible. Although Mom had to make me get a job sa murang edad noon, she's a hands-on mom at talagang kami lang ni Frankie ang naging focus niya. No boyfriends, Frankie's dad was her last boyfriend tapos wala na.

"Hay naku." Napailing-iling na lang ulit si Mommy. Napansin ko ang pagkakatitig ni Daddy kay Mommy at all smiles pa. At tila napansin din yun ni Mom.

"Ano? Umalis na nga kayo." That made her conscious. Nagdesisyon na rin naman ako na ayain na si Dad para din hindi kami gabihin sa byahe. Alas tres na ng hapon at traffic na rin mayamaya dahil sa rush hour. Apat na oras din ang gugugulin namin sa byahe.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon