Chapter 32

9 2 0
                                    

Chapter 32

Noah and Yngrid are going to have a prod number together sa celebration ng pista ng bayan nina Alex. Ako naman instead of performing for the people, Alex asked me to be a part of the judging panel na lang para sa coronation ng bagong Miss Luz 2024. Dahil wala naman talaga akong talent sa pagpeperform, um-oo na lang din ako. Noah will sing for the candidates as well.

"Mas maganda ka pa rin sa mga yan." Bulong sa akin ni Noah habang nakatayo lang kami dito at pinapanood ang mga kandidatang rumarampa sa harapan naming dalawa. "Mas sexy pa." It's the swimsuit compettition na ginanap sa dalampasigan sa harap ng isa sa pinakamalking resort dito sa La Union. I looked at him looking a little bit annoyed because I am. Sexy pinagsasabi nito. I can see myself, I dont think my body still looked the same, I heard him chuckled tapos bigla niyang hinawakan ang tyan ko from behind my back at di na ulit nagsalita.

"There you go! Palakpakan po natin ulit ang ating mga kandidata. Nagpipintas nga babbabai." The host said and we gave them a round of applause which they all deserve. At pagkatapos ay isa-isa na silang nagpakilala. Inabot din kami ng isang oras bago matapos ang ilan pang rounds ng preliminaries. Casual wear, national costumes, lahat sila magaganda. Parang tuwang-tuwa nga si Noah sa mga nakita niya kanina.

"Bukas maghapon akong wala to make sure the event will be perfect. You'll be okay naman guy's no?" anang Alex habang nasa van kami pabalik na ng resort. Sumagot naman sina Karen dito.

"Of course naman, don't worry."si Karen yun.

"We'll be there too kaya okay lang. May pakain di ba?'si Rich. Gaganapin ang pista sa sentro ng Luz kung nasaan din ang malaking amphitheatre na si Alex mismo ang nagpatayo. She's really doing great for her job, it's her dream anyway.

"Ito puro pagkain eh, kaya ka nananaba," sita naman ni Janiena kay Rich.

I kinda hate that word today. Hindi naman ako sumagot na kay Alex. Nasa pinakalikuran kami ni Noah ng van at hindi ko siya pinapansin mula pa talaga kagbi. Bukod pa sa wala ako sa mood, naalala ko pa din yung mga nakita ko kagabi lang. Bumalik si Noah sa resort na parang wala lang, siya pa nga may ganang magtanong where I've been at halos pagdudahan pa ako that maybe I had spend the night with Nico. Nauna akong nakabalik sa resort, when I saw both of them going back to that resort nagmadali na akong bumalik sa resort para di niya malaman na nakita ko sila. And even took a picture of 'em na gagamitin ko gamit sa kanilang dalawa.

Saglit lang nakarating na kami sa resort. Ibinaba kami nina Alex sa bungad ng private resort na siyang tinutuluyan lang namin with Zoey and Tia. Hindi naman sila sinama 'cause Nico actually came to spend time with Zoey, desisyon rin talaga ni Zoey na mas gusto niyang makipaglaro dito. Ganun din si Tia na kahit papaano ay nakakasundo na rin si Nico. Papasok pa lang kami rinig na namin ang tawanan ng mga ito. "Now you look pretty." I heard Zoey said at nang tuluyan na ngang makapasok we saw the 2 doing Nico's make up. Napatigil ako sa may pinto habang pinapanood sila.

"Good evening, sir, ma'am." Bati ng staff ng resort na dumaan sa harapan namin patungong kusina. Binati ko din naman sila but Noah didn't. Binalik ulit ang pansin sa tatlo at di ko mapigilan ang paghagikgik ko habang napasinghal naman si Noah mayamaya ay biglang umalis at umakyat na muna. Napairap na lang ako nang mabaling ang atensyon ko sa kanya, bago binalik naman ang pansin sa mga ito. Hindi na ako halos napapansin sa sobrang enjoy nila kasama si Nico.

"Zoey," malambing kong tawag kay Zoey at napatingin na rin sila sa akin sa wakas. "What are you guys doing?"

Tumawa lang naman si Zoey at nagtakip pa ng bibig, tumawa lang din ang dalawa.

We had dinner tapos nagpaalam nang aalis si Nico. I decided naman na ihatid siya kahit sa labas lang para makapagpasalamat na rin sa pagbabantay kay Zoey and entertaining her as well. Even after I rejected him, he still care for Zoey at ramdam ko ang pagmamahal niya dito. "Hmm, may lipstick pa rin dito." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa gate ng resort. Nasa labas kasi ang kotse nito.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon