Chapter 42

3 1 0
                                    

Chapter 42

"Bonnie, pick up..." nasapo ko na lang ang noo ko nang hindi pa din sagutin ni Bonnie ang tawag ko. Medyo nagpapanic na rin talaga ako. Bigla ko lang naisip na baka hindi talaga niya nabasa ang text message ko sa kanya. Dumagdag pa sa akin yung sinabi ni April ilang araw na ang nakakalipas. I mean, how did she know about it kung si Bonnie nga ang sinasabi nito? I trust him, pero wala naman akong ibang pinagkatkatiwalaan sa lahat kundi siya.

Maybe I should stay calm. Wala pa namang nangyayari eh. Wala pa...

Huminga ako ng malalim. Maybe I should tell Noah about it, bakit nga ba hindi? Bago pa may mangyari, atleast alam na niya na nagawa ko lang yun dahil galit ako nun sa kanya. I have already forgiven him, kaya nga pumayag akong magpakasal sa kanya.

I decided to call him para magpasundo sa kanya. Nasa isang botique ako with Phoebe para magpagawa ng gown na susuutin ko sa isang awarding ceremony for influencers. I was nominated as one of the most influential beauty creator at sa makalawa na rin talaga gaganapin iyon.Sa pagkakaalam ko, Noah was also nominated there but he will have to go there with Yngrid.

Agad namang sinagot ni Noah ang tawag ko sa kanya at wala ring pag-aalinlangan na pumayag na ring sunduin ako.

"So balak mong magstop na sa social media after this?" tanong ni Phoebe sa akin habang nasa loob lang kami ng kotse nito waiting for Noah. Tumingin naman ako sa kanya saka masayang ngumiti. I never relly thought that I'll be happy to leave, sabi ko kasi hindi muna ako titigil hangga't di ko nagagawa yung mga ibang plano ko. Like have my own business to secure Zoey's future. Pero napag-usapan na kasi namin ni Noah yun and he promised me na siya na muna ang bahala sa lahat. Gusto niyang maging healthy ang pagbubuntis ko, he wants me to focus on our family, iba pala talaga yung may katuwang ka na sa buhay. Though hindi naman sa sang-ayon talaga ako na ipaako sa kanya ang lahat, I just think for now yun ang mas magandang option namin. Para mas matutukan namin ang paglaki ng mga anak naming dalawa. Maybe this will be temporary, pero sa totoo lang, excited ako na ibuhos ang buong panahon ko sa pag-aalaga na muna sa kanila.

"Iba talaga yung may kasama ka na sa buha noh? Patingi nga." Phoebe took my hand para makita ang engagement ring namin ni Noah. It's not just a oneround cut diamond ring, but it actually has 3 in it. "Super ganda. I'm so happy for you.'

Tumango-tango naman ako na may ngiti pa rin sa labi. "Hindi pa namin napag-uusapan kung kailan, pero pupunta ka ha."

"Oo naman. By the way, thank you for hiring me to be manager. Kung sakaling maisip mong bumalik, I'm just around." Tumango ako though alam ko namang matatagalan pa yun. But we will remain friends of course, hindi naman kami for sure mawawalan ng contact sa isa't-isa.

Habang naghihintay pa din kay Noah bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. "What time is it? Dadating a ba yun?" tanong ni Phoebe at napatingin ako sa relong suot ko. Right now, halos kalahating oras na namin siyang hinihinatay. Itetext ko sana siya nung mapansin na namin ang pulang kotse nito na tumigil di naman nalalayo kung saan kami nakapark. Binusinahan lang niya kami at parang wala siyang planong lumabas ng para sunduin ako mula dito sa kotse ni Phoebe.

"Seriously?" Nakailang busina pa siya.

"May topak ata." Komento ni Phoebe sa kanya at natawa na lang.

"Una na ako ha." Paalam ko na lang rin.

"You sure? Wala kasi akong dalang umbrella.'

"Okay lang. Bye na. See you na lang sa event." Bumeso lang ako sa kanya for the last time saka bumaba na ng kotse. Patakbo naman akong nagtungo sa kotse na ni Noah sa likuran talaga nito, mga sampung hakbang lang naman, Nung bigla na lang akong matisod at madapa sa kasagsagan ng malakas pa ring pagbuhos ng ulan. Bumaba naman agad si Noah para tulungan akong tumayo. Ako naman ngayon ang nainis sa kanya.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon