Chapter 40

5 1 0
                                    

Chapter 40

Bonnie's POV

Tricia almost lost her baby. Buti na lang mahigpit naman daw ang kapit ng bata kaya walang dapat ipag-alala. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sobrang nag-aalala talaga hindi lang para sa bata kundi para na rin talaga sa kanya. She has been my bestfriend for a long time now, aaminin kong hindi ako naging perpektong kaibigan sa kanya, ni hindi ko deserve how kind she is to me pero habangbuhay kong ipagpapasalamat na naging parte siya ng buhay ko.

Umiiyak pa rin ito habang yakap-yakap siya ni Noah. Nakatatayo lang sila malapit sa hospital bed nito dahil ayaw daw niyang mahiga. Natatakot daw kasi siyang makatulog tapos paggising niya ay wala ang baby sa sinapupunan niya. Looking at both of them, I can see kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Kahit ano pang tanggi ni Tricia na galit na lang ang nangingibabaw na nararamdaman nya para kay Noah, alam ko namang hindi yun totoo. And Noah, hindi ako ganun kagaling sa pagkilatis ng tao but his efforts shows what he really feels for her. Namimisinterpret lang talaga ni Tricia ang lahat nang nangyayari at nakakalimutan kung anong klaseng mundo ang meron kami ngayon. Kailangan lang nila ng malalim at maliwanag na pag-uusap para maintindihan nila ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.

I decided to take stolen pictures of them to upload on social media. Isa pang paraan para maayos sila ay kung may mawawala sa eksena. Itigil na ang kahibangan ng lahat sa kanilang dalawa ng bruha.

Hanggang sa mapilit na rin ni Noah si Tricia na mahiga at magpahinga. Binuhat pa nga niya ito at siya mismo ang naghiga sa kanya dito. Pasimple pa akong siniko ni Phoebe habang nakaupo lang kami dito at pinapanood ang mga ito. Then Tricia reach for his hand. "I want cuddles." Para siyang batang naglambing dito and Noah smiled at her saka hinalikan ito sa noo bago tumabi na rin naman sa kanya. Nagkatinginan kami ni Phoebe at tila nagkaintindihang kailangan naming bigyan ng alone time ang mga ito. Sabay kaming tumayo saka nagpaalam kami sa mga ito.

"We'll be back na lang tomorrow. I called Max na rin para dalhan ka ng pamalit."

"Okay, thanks," sagot naman ni Noah na di pa kasi nakakapagpalit mula pa kanina. Halos tatlong oras na yata kami dito na naghihintay.

Bumaling ako kay Tricia at lumapit pa nga dito. "Wag ka nang umiyak. Makakasama yan sa baby niyo. Ikaw din. Mag-usap kayo ha. Tricia, you need to understand alot of things. Nai-stress ka lang kasi sa mga walang kwentang bagay eh."

Hindi siya sumagot dun but I'm hoping that she considers.

At tuluyan na nga namin silang iniwan dun at umalis na muna.

My manager called me sa office niya just talk about some not-so important things. Matapos nun ay pinauwi na rin naman ako nito. I had to check my phone habang naglalakad papuntang parking lot kasi I just posted Noah and Tricia's photos habang nasa hospital kami. Nakakatuwa kasi maraming kilig na kilig sa mga pictures ng mga ito, may mangilan-ngilan na kumokontra at nangbabash, pero mas marami talaga yung mga natutuwa sa pagsasama ng mga ito. Plus mo pa na magkakaanak na ulit ang mga ito, halos lahat ngayon naniniwala na si Yngrid talaga ang thrd party na pilit sumisira sa pamilyang binubuo ng mga ito.

While checking the comments, napansin ko naman ang makailang missed calls from Sarah. I almost forgot about her. I told her na tatawagan ko siya ulit ngayong araw para pagplanuhan ang mga plano namin with Tricia, but I don't think we actually need her help now. Ayoko rin naman talagang gawin to eh, sumunod lang ako kasi umaasa ako na ito rin mismo ang gigising kay Tricia, yung makita niyang nasasaktan si Noah dahil sa kagagawan din niya. But now I realized na kailangan lang talaga nila pag-usapan ang lahat ng to. Saka isa pa, kung itutuloy namin to, baka si Noah naman ang magalit sa kanya. Kung sakaling malaman niyang si Tricia ang may pakana ng lahat, mas mabuti na lang na wag na naming ituloy to. I decided to call Sarah back at pagring ay sumagot din naman kaagad ito.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon