Chapter 30

11 2 0
                                    

Chapter 30

Katulad ng pangako ni Nico kay Zoey, Nico visited her today para makipaglaro sa kanya. "The best ka talaga Daddy Nico. You're the best Daddy in the whole world. Tumutupad ka sa pangako di gaya ng iba diyan." Parang pinaringgan pa ni Zoey si Noah and I confirmed it nang tignan niya ito at belatan. Tinignan ko rin si Noah at tila bata rin naman ito para gantihan si Zoey ng pagbelat din.

Buhat-buhat ni Nico si Zoey habang nakatalikod ito sa amin, waiting for Alex na nakaupo sa upuan sa harap ng table at pinipirmahan ang binigay nito sa kanya.

Awkward as fvck. Matapos nung nangyari nung isang gabi tapos andito pa si Noah.

"Here you go." anang Alex at inabot na kay Nico ang mga papeles na yun. Pansamantala namang binaba ni Nico si Zoey para ilagay yun sa envelope na hawak-hawak niya. Pagharap nito sa amin ni Noah na nakaupo lang dito naman sa sofa sa sala ng cottage na to, parang medyo kumirot ang puso ko para sa kanya.

"Can I take Zoey outside?" He politely asked at sasagot pa lang sana ako nung biglang umakbay sa akin si Noah.

"No." Pagtanggi pa nito na agad kong kinontra.

"Of course. Actually, sama ako." Inalis ko ang mga kamay ni Noah sa balikat ko saka tumayo na. Tumayo rin naman siya nung pigilan naman ni Zoey para sumama.

"Kami lang, hindi ka kasama." At lumapit sa akin si Zoey and held my hand at nagsimula na kaming maglakad palabas ng cottage. But I was still expecting Noah to actually come kahit pa ayaw ni Zoey when I heard his phone rang kaya napalingon pa ako sa kanya. He seems aware naman sa magiging reaksyon ko kaya nang mapatingin ako at tumingin din siya sa direksyon ko. I just gave him that gesture of putting my 2 fingers on both of my eye into him, basically just telling him that I'm watching.

It's Max, he mouthed. At kung tama ang pagkakaintindi ko, he said it's Max. Pinaningkitan ko pa siya ng nga mata nun because he could be lying, pero mahalaga la ba yun, Tricia? Ewan.

Hinayaan ko na lang muna siyang sagutin yun at sinamahan si Zoey at Nico sa may beach. Tia is there with my friends na halos gawin na siyang manika. Gandang-ganda daw kasi talaga sila dito and they really think she's actually a real life barbie doll.

"So what do you want to do now, Zoey?," tanong na ni Nico kay Zoey na pinagigitnaan naming dalawa habang hawak ang magkabilang kamay nito.

Inangat naman ni Tricia ang ulo sa kanya before she answered. "I actually want to swim."

"To swim. But you can't swim." Kontra ni Nico sa kanya because he just knew everything about her.

"Iba na lang, Zoey, okay?" Zoey looked at me at bumusangot pa nga.

"Pero yun yung gusto ko. I can only bathe on shore. I wanna see something there." Halos sabay kami ni Nico na napasinghal. Mayamaya pa ay pinagpaalam iyon sa akin ni Nico.

"I'll take care of her I promise." Tiwala naman talaga ako kay Nico and I know di naman niya papabayaan si Zoey.

Tumango na lang ako kahit medyo kinakabahan pa. Naglakad lang kami gazeebo, kung saan naroon sina Tia at ang mga kaibigan ko. Nico took of his shirt at medyo napatitig pa ako dun because I don't know he works out.

"Wow, sarap ah." Napatingin ako sa apat na titig na titig sa likuran pa lang ni Nico. Paano pa kaya if they were on my angle sa side nito? Damit lang nito ang hinubad niya because he's basically wearing beach trunks kaya beach ready talaga siya today.

Inaya na niya si Zoey patungo sa dagat at kita naman dito ang excitement niya. She basically can't really swim kasi I can't take her to swimming lessons for now but I bet Nico's just gonna hold her simulating a swim for her. At ganun nga ang sunod na ginawa nito.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon