Chapter 44

6 2 0
                                    

Chapter 44

  "Gusto lang namin makilala ang bata, ano bang masama dun?"

  "Hindi nga po siya apo , please tama na po." Pilit kong inilalayo sa kanila si Zoey. Kanina pa kami sinusundan ng mga ito, actually sa condo pa lang talaga. Wala akong plano n ipakilala sa kanila si Zoey, anak man siya ni Aldrich o hindi, ayoko na munang guluhin ang isip nito lalo pa at si Noah na ang kinikilala niyang tunay Na Daddy niya.

Lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko, kung hindi ko lang kailangang magpacheck up, hindi naman talaga ako lalabas ngayon ng condo. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang araw at hindi na talaga natahimik pa ang pag-iisip ko simula pa lang. Pinili kong isama si Zoey sa takot na baka pag-uwi ko ay di ko na ito madatnan. Halos di na rin kasi umuwi ang mga ito sa pagbabantay at paghihintay na lumabas kami, hanggang sa dumating nga ang araw na ito. They're with the media at mga content creatorsnna mahilig makisawsaw sa mga issue.

  "Nagpakamatay ang anak ko nang dahil sayo. He has a huge future ahead of him pero nang dahil sayo, hindi na yun mangyayari kahit na kailan." Napatigil naman ako nang marinig yun. Nagpakamatay si Aldrich nang dahil sa akin? I didn't know that. Kasi ang alam ko he drove under the influence that night at hindi lang din siya ang namatay nung araw na yun.

  Pumikit ako para pigilin ang luhang papatak na sana sa mga mata ko dahil lang sa alaala na yun. Huminga ako ng malalim saka hinarap na ang mga ito. Kadalasang tahimik lang ako sa kung anu-anong kasinungalingang ipinapakalat ng kung sino-sino tungkol sa akin pero hindi sa pagkakataong to.

  "Hindi lang basta nagpakamatay si Aldrich nung gabing yun. He also killed my baby. Kaya kung kasalanan ko man na pinili niyang tapusin ang buhay niya, bayad na ako dun. Sobra-sobra pa...please, wag niyo na akong piliting sabihin pa sa kanila lahat ng nalalaman ko." Tumalikod na ulit ako matapos sabihin iyon, akay-akay pa din si Zoey nung bigla ay tila nakipag-agawan pa sa akin ang babaeng yun.

  "Come to grandma, Zoey..." Hinila niya ito sa kaliwang braso nito habang hawak ko naman ang kaliwang kamay ni Zoey.

  "Tita, ano ba?! Bitaw po!" Gustuhin ko mang lakasan ang hatak kay Zoey ay natatakot akong masaktan ito. I gently pull her from her habang tinatanggal ang mga kamay nito sa braso ni Zoey. Hanggang pag-iyak na ni Zoey ang tuluyangnagpabitaw sa kanya.

  "Ayoko sayo!" At malakas na siyang ngumawa kaya wala na akong choice kundi ang buhatin siya para masiguro na din na di na siya mahahawakan nito. Nakaluhod pa ang matanda habang humahagulgol na din. I understand his pain dahil biglaan din ang lahat ng nangyari limang taon na ang nakakaraan. Ni hindi na niya nakausap ito at ganun din ako kay Sophie na wala nang buhay nung dalhin sa ospital at madatnan ko.

  "I know you're hoping na atleast may naiwan pa si Aldrich. Pero hindi ko po ibibigay sa inyo ang anak ko. Pasensya na po." Tumalikod na ako nun at mabilis na lumayo sa mga ito. Sakto naman ang paghinto ng kotse ni Phoebe na siyang maghahatid sa amin sa ospital ngayon.

  Sumakay na rin kami ni Phoebe at agad na rin siyang nagmaneho. Kinuhanan pa rin kami ng mga yun pero hindi ko na rin inisip pa.  Ni wala na akong plano na magsalita pa matapos nun sakaling mapag-usapan man yun ng lahat. Gusto ko na ng tahimik na buhay, mahanap lang din talaga namin si Noah.

  "Bad siya." Napatingin ako kay Zoey nang sabihin niya yun. "He killed Sophie. Pag-uwi ni Daddy Noah, I will tell him everything."

  Nagpilit na lang ako ng ngiti sa kanya hanggang yakapin ako bigla nito.

  Dumating kami sa ospital and just had my monthly check up. Matapos dun ay dumaan kami sa laboratory to pick up something. Good thing, Phoebe is here dahil natatakot talaga ako na ako ang unang makakita nun. "Ready?" Phoebe asked me habang hawak-hawak pa ang brown envelope na yun. Huminga muna ako ng malalim saka ikinalma ang sarili bago tumango na rin sa bandang huli.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon