Chapter 21

33 14 0
                                    

Chapter 21

Tricia's POV

Sinubukan ni Noah na abutin ang mga kamay ko. Pero inilayo ko naman agad yun sa kanya at nagfocus na lang sa pagbabantay kay Zoey. Hinagod ko ang buhok nito at hinaplos ang napakagandang mukha niya. I can't imagine my whole world without her.

Tumulo ang luha sa mga mata ko habang unti-unting nadudurog ang puso ko. Nakaupo lang ako sa upuan sa tabi ng hospital bed kung saan naman ito nakahiga. Noah on the opposite side. Zoey almost sacrifices her life to save him sa gulong siya din mismo ang gumawa.

"She'll be fine." Doon ako bumaling kay Noah.

"Umalis ka na, Noah."

"Tricia naman." Pagmamakaawa pa nito

"Ayoko na munang makita ka." Nanginginig pa ang boses ko nang sabihin yun sa kanya. But I need to tell him dahil di ko na rin alam ang kaya kong magawa sa kanya ngayon sa sobrang galit din na nararamdaman ko sa kanya. "GET OUT!" I screamed, di ko na napagilan ang sarili ko.

Tumayo pa ako at ganoon din siya. Paglapit ko sa kanya, I tried to push him away but when I realized na hindi ko pala siya kaya, I just hit him with my fist on his chest. Hinayaan naman niya ako hanggang sa nakailang pagsuntok na ako sa kanya ay pinigil na rin niya ako. Umagos na lang ang luha sa mga mata ko, walang tigil hanggang di ko na rin napigilan ang paghagulgol ko.

Hinigit niya ako. Sabay pagyakap niya sa akin. "I'm sorry, I'm really really sorry." Nanatili lang kami sa posisyong yun hanggang sa ako na din mismo ang lumayo sa kanya. Pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. I wasn't looking at him, bumalik ako sa tabi ni Zoey and held her hand. Nanatili namang nakatayo doon si Noah hanggang biglang nagmulat ang mga mata ni Zoey.

Namilog ang mga mata ko. "Mommy..." agad naman nitong tawag sa pangalan ko. Napangiti ako at ngumiti din siya. Tapos bumaling siya kay Noah na paalis na sana ng tawagin nito. "Daddy, where are you going?" Di ko nilingon si Noah.

"I'll just call the doctor, okay?"

"Balik ka agad, Daddy ha," Malambing na sabi ps ni Zoey sa kanya at tuluyan na nga siyang umalis.

The doctor came at pinaliwanag niyang okay lang naman talaga si Zoey, daplis lang sa bandang balikat nito ang naging tama niya. She was lucky, thank God.

Wala na rin daw kaming dapat ipag-alala pa, pahinga lang ang kailangan nito.

Hindi naman bumalik si Noah paglabas niya kanina ng kwarto ni Zoey. Kanina pa siya nito hinahana, gustuhin ko mang tawagin siya para papuntahin dito, I don't really want to talk to him right now. I know it's selfish, pero alam ko din kasing hindi ko maitatago yung emosyon ko ngayon with his presence. Ayoko namang makita pa iyon ni Zoey and stress her out, she badly needs a rest.

"Hindi man lang nag-aalala sa akin si Noah. I saved his life, didn't I, Mommy? Noah don't really like me." I kept quiet dahil di ko na rin talaga alam ang isasagot ko dun. If Noah was really faking it? O kahit papaano kaya ay naging totoo na lahat ng pinapakita niya sa aming dalawa ni Zoey? I just don't know at all.

Ilang minuto ang lumipas nang dumating si Nico. Zoey was very excited to see him; bigla pa nga itong napabangon at tumayo na kahit nakaswero pa. "Daddy Nicooo!" Ang masigla nitong bati dito.

Lumapit si Nico dito and gave her a big hug."Okay ka na? Why did you do that?" Buong pag-aalalang tanong noto sa kanya. . Nagkibit-balikat naman si Zoey sa kanya nang kumalas sa pagkakayakap kay Nico. Zoey gave her a big smile.

"I'm fine now. Don't worry. Important thing is you are here."

"I will always be here for you, princess."

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon