Chapter 41

5 1 0
                                    

Chapter 41

  Sinubukan ko pa siyang piliting bumalik dun pero ayaw talaga niya. The staffs have been calling us din pero pinapatay lang niya ang bawat tawag ng mga ito hanggang sa patayin na nga lang niya ang phone niya pati na rin yung akin.

  "Hayaan mo na sila dun, let's just go somewhere else."

  "Kailangan nating bumalik dun." Kontra ko pa din kasi we're already got paid to do that. Kaya hindi pwedeng bigla na lang kaming aalis.

  "Let's pick Zoey up. Let's have family time. Mas maganda yun, di ba?"

  When he said that, napaisip naman ako. Zoey has been very distant to him kasi lately at naisip ko na rin na kailangan nila ng time together para bumalik yung closeness nila. If we're not gonna do this now, baka mas tumagal pa na di siya kausapin ni kibuin man lang ni Zoey. Time will heal them eventually, pero mas maganda pa rin kung ngayon na.

  Nag-isip pa ako ng ilang saglit hanggang sa mapapayag na lang din niya ako. "...but we'll have to call them. Itutuloy pa rin natin yung shoot sa susunod na araw."

  Noah looked at me pero di siya sumagot. Pero ganun pa man alam ko namang no choice siya kasi alam ko namang narealized na din niya yung pinupunto ko.

  Bigla na naman niya akong hinalikan ng panakaw na parang nagiging hobbit na nito. "Nasa public place tayo."

  "Ano ngayon, eh mag-asawa naman tayo?"

  Pinakita ko ang kamay ko sa kanya at mga daliri to ask him where my ring is.  "Kahit isa wala eh."

  "Problema ba yun? Edi bibili tayo. Tapos pag okay na kami ng panganay natin, magpapakasal na tayo. And we'll be the happiest family, I promise that."

   Hindi ko alam kung anong isasagot ko dun, pero basta ang alam ko, sobrang saya kong marinig yun galing sa kanya. Pilit kong pinigilan ang pagoging emosyonal ko at luckily ay nagawa ko naman. I just smiled at him habang titig ako sa mga magagandang berdeng mga mata niya. At ako na rin mismo ang nag-aya sa kanya para tunguhin na ang kotse nito at umalis na rin doon.

  Pinaliwanag namin kay Zoey yung tungkol sa amin ni Noah. Ayaw pa rin talaga niya sa kanya and this time, hindi na daw talaga magbabago ang isip niya. Hindi nakapasa si Noah sa standards niya para maging Daddy niya, isa lang naman daw kasi ang rule niya, ayaw lang niyang makita akong umiiyak dahil sa kanya.

  Pero wala din naman kaming plano na basta sukuan na lang na maging okay sila. Noah and I have already planned Everything, it's a bit frustrating on my side kasi parang wala man lang thrill but it doesn't matter anyway. Ang importante sa akin, atleast now, magiging isang buong pamilya na kami.

  "We'll give you time okay? We understand. But there is one more thing you need to know." Nakaupo kami sa harapan niya habang hawak ko siya sa balikat niya. Since nasabi na namin sa kanya yung kaming dalawa, kailangan na rin niyang malaman yung kondisyon ko ngayon. Hoping that maybe this thing will make up her mind kahit pa ilang beses na niyang sinabi na ayaw niya.

  Tumango-tango lang siya nun bagaman ay di nakatingin sa amin. Nakatungo lang siya at nakatingin sa damuhan pero alam ko namang nakikinig siya. "Noah and I are having a baby. Magiging big sister ka na."

  Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito bago ibaling na ang pansin sa amin. Tulala lang siya habang unti-unting pina-proccess sa utak niya ang narinig niya. Hanggang nagulat na lang kami ni Noah nang biglang umiyak ng malakas si Zoey. Taranta kaming napatingin ni Noah sa isa't-isa hanggang sa magsalita na ito.

  "Bakit nung ako yung pinagbuntis ni Mommy, you don't like me? Tapos ngayon, magkakababy kayo ulit, you like her? You are so unfair." Medyo naguluhan ako dun kasi I didn't know Zoey actually knows. Like how? Pero hindi na yun importante ngayon, because I want her to understand na it was a very different situation.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon