Chapter 28

10 5 0
                                    

Chapter 28

Maganda ang mga unang araw naming tatlo dito sa La Union. Masarap ang simoy ng hangin, presko, mataas at tirik ang araw pero hindi mainit di gaya sa Maynila. Wala ding ginawa ang dalawa kundi maligo at magtampisaw sa dagat, kapansin-pansin na tuloy ang bahagyang pangingitim nila. Di tumalab ang sunscreen na dinala ko sa halos buong maghapon na rin kasi nilang paglalaro doon. "Hayaan mo na, bakasyon naman eh. Hayaan mo silang mag-enjoy." That's exactly the advice I took kaya nangyari yan. Pero sabagay may point nga din naman. I just looked at Janiena and I nodded. Wag lang sana ma-sunburn ang dalawa lalo na si Zoey dahil may pagkaiyakin pa naman.

Nasa gazebo kami ulit at dito nadesisyong mag-almusal. Mamaya susunod kami ng Alex para samahan ito sa paayuda nito sa kabilang barangay. Yup, makompleto lang talaga at masulit ang kaunting araw na meron kami para magkasama, sasamahan talaga namin siya. She's joining us for breakfast though pero wala pa ito kaya di pa din kami nagsisimulang kumain.

"Mommy!!" Zoey called my attention habang nagtatampisaw pa rin sa dagat. Diretso talaga sila ni Tia diyan paglabas pa lang namin. She waved at me and I waved back. Tapos bumaling na siya kay Tia na bigla niyong nilagyan ng basang buhangin sa ulo. Umiling-iling lang ako ng nakangiti dahil alam kong naglalaro lang naman ang mga ito.

Saglit lang, lumabas na rin si Alexis ng resort at dumiretso dito. "Sorry guys, can't join you for breakfast. Nagmamadali kasi ako. I will have to meet yung president ng construction company na tutulong sa amin para sa pabahay program namin. Kokontakin ko pa yung mga guest para sa fiesta." Bigla kong naalala si Nico dahil nabanggit nga niya na kilala niya si Alexis at construction company nila ang gagawa sa pabahay program nito. Though I decided not to talk about it for now. "...pero maya ha, hintayin ko kayo. Para atleast sabay naman tayo makapaglunch." paalala pa nito bago nagpaalam na rin at tuluyang umalis.

  Nasa byahe si Nico when he called me para sabihing papunta na siyang La Union. Excited naman si Zoey nang malaman yun pero nalungkot ng malamang sa ibang hotel resort ito tutuloy. Gusto pa naman daw sana niyang itong makasama buong araw sa pagtatampisaw at paglalaro sa beach. Although Nico promised her naman to visit her as often as he can . Hindi din naman kasi bakasyon ang pinunta nito dito kundi trabaho.

  Alas onse ng tanghali ang usapan namin nina Alex na tutungo kami sa kabilang barangay para tulungan ito sa ayuda program niya. Sakto din yun sa pagdating ni Nico and so Zoey and I decided na salubungin na lang ito at sa kanya sumabay. Doon din pala ang diretso nito dahil doon gagawin ang pabahaya na isa pa nga sa progama n Alex. "You sure guys? Baka di kayo umabot ha." Anang Rich habang pasakay na ng van.

  "he's 10minutes away, so, habol kami."Huminga na lang ng malalim si Rich saka pmayag na lang rin.

"Ikaw pa naman daw highlights dun. For sure hintayin ka ng mga tao dun." Tumango ako with a smile.

  "Kaya yun. Hindi ko naman hahayaang mapahiya isi Mayora noh."

  "okay sige." Sumakay na siya pagkasabi nun. I looked at Tia naman ng siya ang magsalita.

  "Sabay na rin po ako sa kanila. Nakakahiya po kasi kay Sir Nico eh." I get it ofcourse. Tia is Noah's sister kaya awkward talaga para sa kanya.

  Tumango na lang ako. "Don't worry kami bahala kay ganda." Rich assured me kaya napanatag na rin naman ako. Sinara na nila ang pinto ng van at saglit lang ay umalis na rin ang mga ito. At nagsimula na rin naman kaming maghintay kay Nico . At saktong sampung minuto nga ng dumating na rin ito.

  Masaya ang mga tao sa barangay na yun sa pagdating ko pa lang. Naghihiyawan at halos magsiksikan. Buti na lang handa si Alex with her securities though hindi ko naman inasahan na ganto pa rin ang magiging salubong nila sa akin kahit pa sa maraming issues ko lately. Tinatawag nila ang pangalan ko.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon