Chapter 35

9 2 0
                                    

Chapter 35

  Biglang hati ang opinyon ng mga fans after last night. Matapos ko ring i-send kay April ang pictures ni Noah at Yngrid, she posted it and actually made whole reaction video out of it. I acted unbothered naman hindi lang sa mga fans at bashers kundi kay Noah na rin.

"Their car broke down, I just dropped them off," Noah trying to explain it ni hindi pa nga niya alam kung nakita ko na yun o hindi pa. I have seen the pictures obviously, pero yung video ni April hindi ko pa napapanood at wala rin naman talagang balak panoorin pa kasi alam ko na rin ngmga sasabihin nito tungkol doon.

  "You're worrying too much. Wag mo nang isipin yun. May tiwala ako sayo." Napikit siya nun parangkabadong kabado. Nasa kwarto pa kami habang nakatayo lang sa harap ng isa't-isa. Hinawakan ko naman magkabilang pisngi nito at hinawakan naman niya ako sa bandang braso.

  "Hindi na talaga ako gagawa ng ikakagalit mo. I will never hurt you again. I swear." Bakit ba pag tinitignan ko siya sa mga mata niya, I see his sincerity? Agad kong kinontra ang sarili ko sa isipan ko. Ano naman ngayon? Promise promise pa, nagawa na niya hindi lang minsan kaya alam kong gagawin niya ulit.

  Pero ngumiti pa din ako saka hinalikan ito. "Wag mo na silang isipin. Sayo naman ako naniniwala eh."

  "Sorry. If only I can just cancel those contracts I will." Tinalikuran ko na siya at tinungo na ang pinto nun palabas ng kwarto palabas nang lingunin ko pa siya.

  "But You can't just do that too kasi marami ka ng responsibilities ngayon. Right, Daddy?" Nakita kong mas kalmado na siya ngayon. Nakangiti na rin siya when he nodded. Tapos inaya ko na lang muna siyang magbreakfast with Zoey and Tia of course na alam kong naghihintay na rin doon.

  Tinawagan ako ni Phoebe dahil may good news daw siya para sa akin. Ayaw naman niyang sabihin through the phone kaya nagkita na lang kami sa isang restaurant malapit lang din naman sa condo.

  "I didn't know lumipat ka. Pero buti na lang din kasi atleast mas convenient din for me." Dito kasi siya sa Guadalupe kung saan din talaga kami ni Noah ngayon.

  "Noah and I actually moved in together so..."Nanlaki pa ang mga mata niya nun at ganun din ang ngiti sa mga labi niya.

  "So nagkabalikan pala talaga kayo? Sabi na eh, malakas talaga kutob ko na sina Hariet lang nagpapakalat na si Noah at Yngrid ngayon." I didn't know who Harriet is pero siguro manager ni Yngrid na siguro ay personal na kakilala nito.

  "Yeah, imposible talaga. Unless they are actually hooking up behind my back, I don't know."

  "Knowing Noah, hindi rin imposible. But I'll keep an eye of him para sayo. Meron kasi akong talents who's actually working alongside of them right now kaya lagi ko silang kasama lately, I was just too busy kaya di ko agad nasabi sayo."

  "It's okay. Not your job anyway." Hindi din naman niya talaga kailangang bantayan si Noah for me kasi wala naman talaga akong pakialam. Like I'm already expecting it if ever, it doesn't even matter anymore.

  "Hmmm, about the good news nga pala, actually may kinalaman din talaga yun sa kanila." Nabaling ulit ang pansin ko sa kanya mula sa tuon ko lang ng pansin sa pagkain. "Hindi ko nga talaga alam kung papayag ka eh, but I'm gonna say anyway." Tumango naman ako.

  "Okay, shoot." When I gave her the signal di na rin naman ito nagpaligoy-ligoy pa.

  "Remember this local motorcycle brand na nagpahiram sayo ng unit nila the day na naaksidente ka?"

  "Yeah." Hanggang ngayon nga eh traumatized pa rin talaga ako sa nangyari sa akin dun. It wasn't the motorcycle's fault. Hinintay ko na lang siya na magpatuloy kesa magtanong pa.

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon