Chapter 38

4 1 0
                                    

Chapter 38

I had to run for my shoot kaya hinatid ko na lang muna sila sa condo namin ni Noah sa Guadalupe. I just ordered them food din kahit supposedly ay dadalhin ko sila sa isang restaurant. Babawi na lang siguro ako pagka-time. I have a tight schedule din kasi for this week dahil sa kabi-kabilaang events ng mga brands na ini-endorse ko, karaihan pa nga ay kasama ang dalawang yun. Gusto kong makabonding sina Mom at Frankie but guess, kami na lang siguro muna ni Mommy. Gusto daw kasi niyang sumama-sama ulit sa mga raket ko agaya dati. She's just a stage mother kasi, siya nga ang dahilan bakit nandito ako sa industry na to ngayon. Siya yung may gustong gawin ko to noon pa para makatulong sa pamumuhay namin dati.

Iniwan na muna namin sina Tia at Zoey kay Frankie na alam ko namang mababantayan ang mga ito. Tinawagan ko na lang din si Ella na pumayag din namin. Both are pretty close kasi kahit matagal na silang di nagkikita. Excited nga actually ang mga ito na magkita matapos ng maraming taon.

"Pumapayag ka sa ganun?" tanong sa akin ni Mommy habang nasa byahe na kami sa shoot ko sa Pasay lang naman. I told her about my situation with Noah and she's pretty pissed off about that. "Yung totoo? Palabas lang ba talaga nila yun o may relasyon taaga sila?" Ang sabi ko talaga, they are faking the rumors like it's real kahit hindi naman talaga. Hindi ko rin alam, pero yun na lang ang gusto kong isipin ni Mommy.

"Kung totoo naman yun, ang kapal naman po ng mukha niyang umuwi sa bahay di ba?"

"Makapal talaga. Ipagdasal niyang hindi ako ang makaalam ng totoo makakatikim talaga sa akin ang lalaking yan." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mommy. "Wag mo na lang tanungin, you heard me?"

Napatingin ako kay Mommy mula sa tuon ko sa pagmamaneho. I am actually planning to just ask him about, our of curiosity lang. "...May lalaki bang umaamin? Ikaw ang umalam mag-isa mo."

May point nga naman. Pero gusto ko lang talaga malaman still with the same reason of reason siyempre. Ngumiti na lang ako sa Mommy ko at tinuon na ulit ang pansin sa daan.

"I am still too disappointe with you, Mariz." Sabi pa ulit ni Mommy sa akin. This time nakinig lang ako sa kanya. "...alam mo na nga kung ano ang mga pinagdaanan ko, gumaya ka pa talaga." Maski ako disappointed sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon eh. Hindi ako sumagot sa sinabing yun ni Mommy.

Dinaanan namin si Phoebe na sasama sa shoot ko today. Pinakilala ko naman siya kay Mom na puring-puri naman dito. "Ganda niyo pala tita ha. Kaya pala."

"Siyempre, kanino pa ba magmamana yang anak ko bukod sa akin."

"Sa Daddy niya po. Manang-mana po talaga, pareho ding mahilig sa pogi eh."

"Pareho din ng kapalaran. Pero atleast magaganda." Natawa na lang ako sa pagiging prangka pa din ni Mommy hanggang ngayon.

Ilang saglit na lang rin nun, nakarating na kami sa isang ancestral house sa Pasay kung saan kami magso-shoot. Historical theme daw kasi ang gusto ng perfume brand na ito para sa advertisements nila. Medyo kabado pa nga ako bago bumaba ng kotse dahil isang oras ding naurong ang shoot dahil nga nagsabi akong baka late na makakarating, but they were all calm pagkakita sa akin but not me after mapansing wala pa si Noah ganoon din si Yngrid. Maaga pa nung umalis s Noah sa condo, actually ala-sais pa ng ng umaga dahil nga nagsabi ito na may dadaanan bago pumunta dito.

"Naku nakakaloka! Napakaprima ha. Alas diyes ang usapan, mag-aalas dose na!" Reklamo na nga ng photographer na minsan ko nang nakatrabaho.Nasapo na rin nito ang ulo habang nakapameywang. Nasa di kami kalayuan sa standby area, nakapagmake-up na nga ako at kasalukuyan na lang na tinutulungan ng hairstylist sa pag-aayos ng buhok ko para pagdating ng mga ito ay magbibihis na lang ako.

"Hindi sa pinagooverthink kita ha. Hindi kaya magkasama yung dalawa?"

Nilingon ko si Phoebe na lalo pang lumapit sa akin mula sa pagkakaupo niya ilang metro lang naman talaga ang layo. "Edi magsama sila." Pilit ang naging ngiti ni Phoebe pagkasabi ko nun. Akala siguro niya na-offend ako. Hindi ah..

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon