Chapter 39

6 1 0
                                    

Chapter 39

Tricia's POV

He grabbed me by my left arm tapos hinigit ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo. Kasabay naman nun ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. He's not saying anything, ni hindi na rn talaga niya tinatanggi ang lahat. Totoo nga siguro ang lahat. Si Yngrid na ang gusto nito at matagal na niyang gustong umalis. Pero bakit ba parang nasasaktan ako? Hindi ko din alam... Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Hindi ko na alam bakit nararamdaman ko ang lahat ng to. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko patungo sa pisngi ko. At habang tumatagal lalong sumisikip ang dibdib ko. Parang di na ako makahinga at alam kong hindi matatapos ang pakiramdam na to hangga't di ako nakakaganti sa kanya at nakakalayo pagkatapos.

Agad na rin muna akong lumayo sa kanya at kumalas mula sa pagkakayakap pa nito.

"Promise it won't take long. Ireready ko lang yung sarili ko tapos makakawala ka na."

"Tricia..." tawag pa niya sa pangalan ko. The way he look at me parang konsensyang-konsensyang siya sa ginawa niya. Punong=puno nang pagsisisi na para bang hindi niya ginustong mangyari ang lahat. Pero nangyari na... he made me feel he cares for me, he made me feel na mahal niya ako. Siguro nga indenial lang ako pero nadala na naman ako sa pagatlong beses. Pero ito na ang pinakahuli...

Nagpilit ako sa kanya ng ngiti bago ko siya tinalikuran na ulit. Nagulat ako nung lumapit pa siya sa akin hugging me from behind my back. Pero wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi labis na galit sa kanya. I'll make your life a living hell, Noah. I'll make sure of that.

Mom decided to stay with us kesa ang lumipat pa sa condo ko sa Makati. Okay lang din naman kay Noah dahil we have enough rooms pa naman. Tia and Zoey will just share a room na lang ulit since bata pa naman ang mga ito and they don't need much of a privacy for now.

"I am actually looking for a home in Pasay. Actually that's why I was late yesterday sa shoot. Di pa ako nagdecide because I want you guys to look at it as well." Napatingin ako kay Noah after niyang sabihin yun.

"Tapos ano? Ibabahay mo yung babae mo dito? Ano nga ulit pangalan non? Yngrid?" Sabad ni Mom sa kanya na agad kong sinita.

"Mom." Kuha ko sa pansin niya pero parang wala siyang narinig.

"Yngrid Teng. Hindi naman kagandahan. Kung maghahanap ka ng ipapalit sa anak ko, yung hindi naman kainsu-insulto para sa kanya."

Nasapo ko na lang ang noo ko saka itinuon na lang ang sarili sa pagkain ng almusal. Nasa hapagkainan kami at sabay-sabay na kumakain.

"You're cheating again?" Zoey asked Noah at napatingin naman ako dito na katabi ko lang. "...lagi mo na lang sinasaktan ang Mommy ko."

"Zoey, it's not like that, okay?" Noah tried to explain Zoey pero hindi siya pinansin nito. I had to talk to my mom naman about dito na rin.

"Mom, we don't have to talk things like this naman in from of everyone." Tumingin naman sa akin si Mommy na katapat ko lang sa lamesang to.

"Ako pa ang may kasalanan ngayon? Mabuti nga yun that Zoey knows the situation. Ganyan ka din naman with your dad noon di ba?"

"Noah isn't my dad." I had to hold Zoey's hand to stop her from speaking while mom and I talk. Tumigil din naman ito at napacross-arms pa nga.

"Magkaiba naman po yun, Ma. Please, wag ngayon." I looked at Noah na nakaupo sa dulong bahagi ng long table na ito. I forced a smile at ganoon din siya.

"Hindi niyo naman kailangang magsamang dalawa kung ganito ang nangyayari. Napagdaanan ko na to at nagawa mo na rin naman ng mahabang panahon. Wag kang tatanga-tanga, Tricia ha?"

When You Love Someone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon