Prologue

20K 320 283
                                    

Prologue

"How do you handle advance payments for future legal services?" our professor asked.

Tumingin ako sa mga kaklase ko, nakita kong walang nagtaas ng kamay, kaya't itinaas ko ang akin.

Bumuntong hininga si Ma'am na parang nagsasawa na sa paulit-ulit na pagtawag sa iisang apelyido.

"Renauldi," the professor called.

"Tama ka na, Einstein," bulong ni Carlo sa tabi ko kaya natawa muna ako bago tuluyang sinagot si Ma'am.

"Record it as 'Unearned Revenue' because you haven't earned it yet. Once you provide the service, you'll recognize it as revenue. This way, your financial statements reflect when you actually earn your income."

Nagtanong naman ulit ang propesor, "What about handling expenses paid in advance?"

"For advance payments of expenses, such as insurance premiums, record it as 'Prepaid Expense.' It's listed as an asset on the balance sheet. As time passes and you use the service, you'll gradually expense it on the income statement."

Pumalakpak ang mga kaklase ko, at ang iba ay labis na nag-eexaggerate pa.

"Hys... Mahal na mahal na talaga kita, Cas, kahit lalaki ang gusto mo. Handang maging tomboy para sa 'yo."

"Gentleman din naman ako, Caspian, kahit babae ayaw mo talaga?"

"I can change you, Casp."

"Oh, translate niyo 'yun!"

Siraulo talaga ang mga babaeng ito. I'm openly gay, so my blockmates are aware of my preference for men. Naaalala ko pa ang mga reaksyon ng mga kaklase kong mga babae na may gusto sa akin-sobrang nasasayangan sa akin, akala mo talaga papatulan ko sila.

"Pumalakpak pa, akala mo talaga ay may naiintindihan," sabi ni Ma'am habang umiiling at pinagmamasdan ang mga estudyante.

She probably noticed how sleepy they were, as if they weren't paying attention to the class anymore.

"Grabe ka naman, Ma'am. Gets naman namin!" sigaw ni Jomar mula sa likod.

"Sige, Jomar, ano nga ulit ang sinabi ni Caspian?"

"Ano, Ma'am, yung ano..." Si Jomar ay tumayo at parang nag-iisip pa.

"Anong ano?"

"Ano, Ma'am, basta connected yun sa pera hehe," sagot niya habang nagkamot ng batok.

"Of course it's about money. The topic was about advance payments and how they are recorded in accounting," Carlo finished for him, shaking his head with a slight grin.

Pinanliitan siya ng mata ni Jomar, hindi inaasahan na ang kaibigan pa ang t-traydor sa kanya, kaya't tumawa ang mga kaklase ko sa kapalpakan niya.

"Again, class, remember! These lessons are not just for exams; these concepts are crucial for your future profession. If you don't pay serious attention to them, it will affect your development as professionals!"

At dahil sa kagaguhan ni Jomar, nagkaroon na naman ng mahabang diskusyon si Ma'am tungkol sa kung gaano kaimportanteng seryosohin ang kurso namin.

Pinagmamasdan ko ang mga kaklase kong parang nawawalan na ng gana, pero alam kong kailangan naming mag-focus.

Parehas na linya lang naman lagi ang ginagamit ni Ma'am para paalalahanan kami. Mga kaklase ko rin kasi, nakakalimutang isa-isip at isapuso nang hindi lumiliko ang topic namin from accounting to values.

ETB #1: Lost in Blank Stares Where stories live. Discover now