Chapter 05

6.3K 192 89
                                    

Chapter 05

Of course, my father heard about my mother planning to rent an apartment, so they found one just near my university. It's within walking distance, so I don't need to commute anymore. It seems like my mom was right-it really is more convenient here.

"Ano pang bubuhatin? Kinukulangan pa sa bigat 'tong biceps ko," si Angelo habang tinutulungan nila akong maglipat ng gamit.

Kung hindi lang siya tumutulong, kanina ko pa siya inumpog sa mga bagong pasok na furniture dahil sa kaka-flex ng biceps niya.

"Yah, like, ito na ba 'yun? Parang ang gaan naman," dagdag ni Jethro.

Para na silang mga model sa gym ni Angelo, kanina pa nagpo-pose.

"Mag-isa mo ngang ipabuhat 'yung cabinet, Casp, ipalipat mo sa top floor, tapos ipababa mo ulit sa ground floor," suwestiyon ni Namyy na ikinatawa namin.

The unit is a minimalist one-bedroom apartment with large windows that brighten the space. It features a cozy living area with a sleek sofa and a small coffee table. The bedroom is simple, with a queen-sized bed and a built-in wardrobe. The apartment also includes a second room that functions as a guest room.

I glanced at the nearby mirror. Beads of sweat were already forming on my forehead, so I wiped them away. Naka-on naman ang aircon, pero dahil sa ginagawa ko, patuloy pa ring naglalabas ng pawis ang katawan ko.

Tiningnan ko pa nang mabuti ang mukha ko-tamang desisyon nga ang magpagupit ng buhok.

My bright eyes and well-shaped lips complete my clean-cut style, making me look neat and handsomely gorgeous. My face blends youthful charm with attractive features, such as high cheekbones and a strong jawline, giving me a confident and captivating look.

"Oo na, maganda ka na," komento ni Wesley nang mapansin niyang matagal ko nang tinitingnan ang repleksyon ko.

Umupo ako pabalik sa sofa habang tinitingnan siyang ayusin ang mga libro ko sa cabinet.

"Bawal na bang manalamin?" sarkastikong tanong ko, pero natawa rin ako.

I'm part of the LGBTQIA+ community, and I use the pronouns he/him.

Ewan nga bakit mas madalas kong marinig ang compliment na 'maganda,' eh 'gwapo' rin naman kaya ako!

But I'm fine with any compliments though-wag lang sa backhanded compliments kasi inyong inyo na 'yan!

"Haynaku! Hindi talaga ako mag-aabogado; mababaliw ako sa mga librong 'to!" reklamo ni Shyra nang tumulong na rin sa amin ni Wesley sa pag-aayos ng libro ko.

Sumilip mula sa kwarto si Angelo. "Ayos na 'yung si Caspian lang ang lawyer sa atin para pag nakapatay na si Namyy sa init ng ulo niya, one call away lang si Casp."

We laughed and saw Namyy's glaring eyes towards Angelo; hinampas niya ang lalaki kaya mas tinawanan namin sila.

"Hoy, sa ating dalawa, ikaw ang mas may mataas na tsansa na mangailangan ng abogado sa future dahil sa pagiging babaero mo. I'm sure you'll file a case for something like harassment or breach of promise, given your track record with relationships!"

"Sorry ka na lang, 'di 'yan mangyayari. I'm not fond of making promises."

Gosh, para pa rin silang mga bata! Kung hindi ko lang alam kung ilang taon na sila, iisipin mong mga kinder na nag-aasaran, tapos si Angelo ang bully.

Hindi naman naging boring ang pag-aayos at paglilipat ng mga gamit dahil sa kakulitan nila at sa dami ng kinukwento. Hapon na nang matapos namin ayusin ang lahat.

ETB #1: Lost in Blank Stares Where stories live. Discover now