Chapter 19

4.5K 180 155
                                    

Chapter 19

"Parang limang libo lang naman, Miranda! Ipagdadamot mo talaga 'yan sa kapatid mo? Para ka namang hindi pamilya niyan."

Nasa pintuan pa lang ako, pero rinig na rinig ko na ang pamilyar na boses ng tito ko-—ang kapatid ng mommy ko. Halatang may halong paninising tono sa boses niya, parang siya pa ang agrabyado.

I just shook my head while standing at the doorway, one hand on my hip and the other resting on the door frame, waiting to see where their conversation would lead.

"Magbibigay naman ako, kuya. Tinatanong ko lang kung saan mo gagamitin, para naman hindi nasasayang ang mga binibigay kong pera," malumanay na sagot ni Mommy.

"Anong masasayang? Para nga sa birthday ni Nathalia, 'di ba?"

"Nung nakaraang nanghingi ka, sinabi mong para sa pamangkin ko rin. Tapos, nung tinawagan ko si Nathalia, wala naman siyang natanggap," si Mommy, kalmado pa rin habang sinisilip ko sila sa sala.

"Iniipon ko kasi, kaya hindi ko pa nabibigay."

I scoffed, hearing his lame excuse. It was obviously a lie—nang kinausap ko ang pinsan ko, sinabi niyang pinangsugal lang ng magaling niyang ama.

I felt a surge of irritation welling up as I listened from the hallway. Ang kapal talaga. My mom works hard, helping out whenever she can, only for Tito to misuse the money on his vices. Hindi na nga siya humihingi sa ibang kapatid dahil kay Mommy lang siya pumupunta, knowing she'd still give him the benefit of the doubt.

"Marami naman kayong pera, ano ka ba? Parang sentabos lang 'yang limang libo sa inyo," patuloy na pamimilit ni Tito, na parang inaasahan niyang kusang magbibigay si Mommy.

"Kuya, every cent matters to us. Hindi naman ako makakarating sa kung nasaan ako ngayon kung hindi ko pinapahalagahan ang bawat perang kinikita ko. At wala naman akong pakialam kung ilan ang kailangan mo. I would gladly help, ang akin lang, gamitin naman sana sa tama."

Umismid si Tito. "Tingnan mo, 'di ba, ang yabang mo na ngayon? Yumaman ka lang dahil nakapag-asawa ka ng Amerikano, ang dami mo nang satsat. Limang libo lang naman hinihingi ko, hindi mo pa maibigay agad."

Mahigpit akong namaywang habang pinipigilan ang sarili kong makisali. I wanted to intervene and remind Tito that he's no longer a child who can rely on his siblings.

Ngunit alam ko na kung makikisali ako sa usapan, mas magkakagulo lang. Sa kitid ba naman ng utak ng lalaki, hindi nakakapagduda. Tingnan mo kung saan-saan na napunta, nagtatanong lang naman kung saan gagamitin 'yung pera.

At anong Amerikano? Kanadyano, ho!

"Huwag mo namang maliitin ang lahat ng pinaghirapan ko, kuya. Oo, nakatulong ang asawa ko, pero hindi ibig sabihin na wala akong ginawa para makarating sa kung nasaan ako ngayon. Alam mo nung mga panahong hirap na hirap ako! How dare you miscredit me on my hardship?" Mom said, still calm despite everything.

Kasi ako, inis na inis na, kung sino pa ang may kailangan at nanghihingi, siya pa tong may lakas ng loob na umakto na kung sino.

"Oh, tapos kasalanan ko bang gago ang una mong asawa kaya ka rin ginago?" he said, as if it were a humorous joke, but he didn't laugh, it was like he was joking and waiting for someone to laugh at his pathetic joke.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ETB #1: Lost in Blank Stares Where stories live. Discover now