Chapter 02
People really need to be careful with their words! Wala naman silang kaalam-alam sa buhay ko! They get everything wrong, and the only thing they got right is the fact that I'm gay-something that shouldn't even be an issue in the first place.
Ang confident naman nilang sinasabing ako lang ang bakla sa grupo namin. How can they be so sure? People hide who they are for a reason-because of narrow-minded people like them. Just because I'm the one who's out and proud doesn't mean I'm the only gay.
"Casp, ayusan mo nga hair ko, please?" pagmamakaawa ni Lovelei habang may dalang mga rubber bands.
Gagawin pa akong hairstylist. Nakita lang nila yung ayos ng buhok ni Audrey nung nakaraan.
"Marunong ka mag-ayos ng buhok?" tanong ng isa ko pang babaeng kaklase, kaya tumango ako at kinuha ang rubber bands na hawak ni Lovelei.
"Anong ayos ba ang gusto mo, Lei?" tanong ko sa kanya nang maupo na siya. Tumayo naman ako sa likod niya para maayusan siya ng mabuti.
"French braid, please."
"Sure," sinimulan ko nang hatiin ang buhok niya sa tatlong seksyon.
Habang nagpi-pilit kong gawing pantay ang mga hati, naramdaman ko ang tingin ng iba kong kaklase sa 'min.
"Ang galing mo palang mag-ayos ng buhok, Casp," komento ng isa, humanga sa aking ginagawa.
"Hindi naman," sagot ko, medyo naiilang. "Maarte kasi sa buhok yung kapatid kong babae kaya nanood ako ng tutorials para ako na ang mag-ayos ng buhok niya."
"Mabait, gwapo, matalino, caring, and loving brother. Tapos, titi rin pala ang gusto," singit ni Mila, na nakatingin sa amin.
Tumawa kami sa sinabi niya. Nasasanay na rin kami sa mga biro niya, pero may iba pa rin sa mga kaklase namin na hindi natutuwa sa mga biro niya. Sa kabila nito, hindi ako na-o-offend dahil malapit kami sa isa't isa at alam niyang may hangganan ang mga biro.
Karaniwan kasi naiinis ako sa mga taong pinipilit ipoint out kung bakit lalaki rin ang gusto ko, pero iba si Mila. Tanggap niya ako, kahit nagbibiro siya ng ganyan.
"Wag kang mag-ilusyon diyan, girl. Kahit straight si Caspian, hindi ka papatulan. Napaka-barumbada mo," sagot ni Audrey, kaya nag-tawanan sila.
"Kaya walang nanliligaw sa'yo eh."
"Hoy, kung manliligaw lang, marami nang nakapila sa gandang 'to," aniya, nakalagay ang likod ng kamay niya sa kanyang baba at tumayo pa para ipakita sa lahat ang mukha niya.
Pinagtulungan naman siyang asarin ng mga babae, kaya minsan nag-susumbong siya sa'kin, parang bata na inaaway raw siya. Kaya natatawa ako sa ekspresyon niya habang inaayusan pa rin si Lovelei. Brinade ko ang huling tatlong seksyon ng buhok niya bago ko iyon tinali.
Bumuntong hininga si Lei nang tingnan ang buhok sa salamin, kaya medyo kinabahan ako nang lumapit siya ulit.
"Casp... Will you be my boyfriend?" sabi niya, kaya natawa ako. Akala ko hindi niya nagustuhan ang buhok niya!
Hinila ni Mila ang kabilang braid ni Audrey. "Gaga ka, aagawan mo pa 'ko."
"Tangina, ano, iyo na lang lahat, si Stefano, si Caspian, sino pa?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/369982112-288-k390367.jpg)
YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomanceWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...