Chapter 10

5.7K 183 150
                                    

Chapter 10

"Please, Caspian, please," Namyy pleaded over the phone.

"Bakit hindi ikaw ang magbigay? Ikaw naman ang nagluto," I replied, puzzled as to why she wouldn't want to hand it out herself.

Nagluto kasi siya ng pie para kay Stefano, at ako pa ang gusto niyang magbigay! Kaya naman pala nagpatulong siya kay Shyra noong nakaraan. Pero nahihiya pa nga ako sa ginawang pagtakbo ko nung nakaraang linggo, tapos pag-iwas-iwas ko sa kanya dito sa campus. Parang galit pa rin siya kasi hindi ko siya nireplyan. Tapos, bibigyan ko pa ng pie! I mean, hindi ako ang nagluto, pero ako ang magha-hand ng pagkain.

"Boy, I'm going to be late if dadaan pa ako sa univ niyo. I'll just ask Manong to hand it to you," she explained, sounding rushed. In the background, I could hear the commotion of her hurried preparations.

Napasapo ako sa noo ko. Iniiwasan ko nga 'yung tao, gumagawa naman ng paraan ang universe para malapit ako. Shit na 'to! Super lala nga ang pagkaka-crush ni Namyy sa lalaking 'yun at pinag-bake pa ng pie.

"Girl, why don't you ask Rejiel instead since they're friends and blockmates?" I suggested.

"I don't have time to call him na. Just do it na lang, what's the big deal ba? Huh?"

She's nagging so much that I don't have any other choice than to agree. Oo nga, what's the big deal? Ibibigay lang naman. Siguro I'll just use this too para mag-sorry ako sa kanya.

And wow, I sound like I'm consoling that guy! He's making such a big deal out of me replying to Rejiel first. And if hindi siya si Stefano, iisipin kong pinagseselosan niya si Rej.

Umiling naman ako; puro na lang ka-assumingan ang nasa isip ko nitong mga nakaraang araw.

Sinabihan ko si Namyy kung anong oras niya ipahatid sa driver ang pie. I told her my break time. Nag-practice pa ako kung paano ko sasabihin kay Stefano, baka isipin niyang nangliligaw ako.

Well, kahit crush ko siya, never akong manliligaw! Though nagawa ko naman dati noong high school, but that was with girls noong in-denial pa akong bakla ako.

Hawak-hawak ko ang box na binigay ng driver. Hindi naman siguro to hinaluan ng gayuma ni Namyy, diba? It smells so good.

Napanguso ako habang tinitingnan ang light pink na box na hawak ko habang naglalakad. Wala pa pala akong nabibigay kay Stefano kahit noong tinulungan niya ako sa club; kasi naman, kahit ang gusto niyang kapalit ay para pa rin sa sarili kong kaligtasan. Napaka-pa-fall! Ang hirap hindi mag-assume kapag ganoon siya ka-caring at bait sa 'kin.

Mainit, at ang layo ng building!Dapat talaga nagpasama na lang ako kay Carlo, kasi kinukulit niya rin ako kanina na samahan daw ako kung saan ako papunta. Pero hinila na siya ng mga boys para sa practice sa basketball, kaya ito ako ngayon, nanunuyot sa init.

Nang makasilong ako sa hallway, nilagay ko muna ang box sa may upuan. Binuksan ko ang phone ko para tingnan ang estado ko—hindi pwedeng magmukhang mangkukulam sa harap ni crush!

Pinunasan ko ang namumuong pawis at nang tingnan ko kung maayos pa ang pagmumukha ko, nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa kanilang building. Baka wala siya doon? Break time rin kasi nila at lumalabas din ang ilang kaklase niyang kakilala ko. They greeted me, so I greeted them back.

Should I inform him? Pero nahihiya akong mag-chat! I'll just go there; tapos kung wala siya, i-chat ko na lang siya.

When I was in front of their classroom, I noticed that there were no people around except for two guys. I was about to go near when I heard Stefano's voice.

ETB #1: Lost in Blank Stares Where stories live. Discover now