Chapter 03
"I don't like Kuya's girlfriend," sabi ni Thalia, ang bunso naming kapatid, habang nanonood kaming dalawa ng cartoons sa kwarto niya.
"Hey, why, baby? She seems nice," tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang unan ko at patuloy na nanonood sa TV.
"She looks like one of those innocent-looking but maldita girls in teleseryes."
"Huh? Since when did you start watching teleseryes?"
Alam ko kasing cartoons lang ang pinapanood niya, kaya medyo nakakagulat ang obserbasyon niya.
Tumingin ako sa ekspresyon niya at parang may nabunyag siyang sekreto. Kita sa mga mata niya ang bahagyang takot at pagkahiya. Bumuntong-hininga ako, at doon ko napagtanto kung sino ang kasama niyang manood.
"You should stop watching teleseryes with Ate Lara. Kung ano-ano na ang natututunan mo. It's not age-appropriate for you," sabi ko habang tumitig sa kanya, pinipilit magmukhang seryoso kahit natatawa ako.
"Eeeeh! But Ate Lara said it's fun to watch," protesta ni Thalia, sabay irap at nagkasalubong pa ang mga kilay niya habang niyayakap nang mahigpit ang stuffed toy niya, gusto niyang ipaglaban ang karapatan niyang manood.
Napailing ako. Hindi talaga tumanggi-si Ate Lara nga ang kasabwat. It's her babysitter. Pero bakit niya pinapanood ng teleserye ang bata? Baka maging drama queen 'tong si Thalia.
Umiling ako at ngumiti. "Maybe for her, but not for you. Masyado ka pang bata para manuod ng ganoong ka-dramahan. Mas mabuti pang Barbie na lang," suwestiyon ko habang tinuturo ang isang Barbie movie sa shelf ng DVDs niya.
She pouted, giving me her best puppy dog eyes, isang tactic na madalas niyang gamitin kapag gusto niyang magpasakop sa gusto niya.
"But Kuya, it's unfair. They always say I'm too young for this, too young for that! When can I be old enough?" reklamo niya, sabay yapos sa akin.
Tumawa ako at ginulo nang marahan ang buhok niya. "When you're a bit older and can handle the craziness of teleseryes-yung hindi agad naniniwala na pag may inosenteng mukha, maldita o kontrabida na agad."
Thalia sighed dramatically, turning back to the TV. "Fine. But I'm telling you, Kuya, if she turns out to be one of those maldita girls and kontrabida, don't say I didn't warn you," warning niya na para bang alam na niya ang lahat.
Mas tumawa pa ako kasi ang seryoso niya habang sinasabi iyon.
"Alright, Miss Teleserye Expert. I'll keep that in mind," sabi ko habang pinipilit kong huwag haluan ng tawa ang boses ko.
Hindi naman kasi ako mabilis mag-judge. Wala rin kaming masyadong interaction ng babae dahil ngayon ko nga lang siya nakita, kaya hindi ko pa masabi kung mabait o masama ba ang ugali niya.
Pero hinihiling ko pa rin na sana hindi totoo ang sinabi ni Thalia.
Hindi ko rin alam kung girlfriend ba talaga iyon ni Kuya Aries o kaibigan lang. Susko, ang batang ito, kung ano-ano na ang nalalaman, eh limang taong gulang pa lang, may alam na sa girlfriend!
Oh my gosh, what if may boyfriend na 'to? Pero what if girlfriend? Well, hindi naman siya shocking kasi boyfriend rin ang gusto ng kuya.
Caspian, what the fuck? Basta, kailangan ko na talagang kausapin si Ate Lara!
My thoughts vanished when a call from the group chat of my main circle rang. Nagpaalam naman ako kay Thalia na lalabas lang sa kwarto at pinabantayan ko siya kay Ate Lara na mukhang abala rin sa pag-aayos ng mga gamit sa sala.

YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomantizmWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...