Chapter 17
"You look like a tomato," Wesley pointed out as they entered our room.
I must have been really red in the face because of what happened earlier.
I felt an immense sense of relief when the elevator doors opened, and someone walked in early. It was awkward having someone see us in that position, but at least I managed to escape.
Ngunit ngayon, ang pinoproblema ko ay kung paano ko siya haharapin, lalo na sa ginawa kong pagtakas kanina sa elevator.
Para akong batang tumakas sa bully niya kanina. Ano na kayang iniisip ng lalaking 'yon tungkol sa 'kin? Bakit kasi ang daming tanong?!
Dapat tumingkayad na lang ako para manahimik siya!
Ang friendly niya nung nasa restaurant, pero biglang sinapian ni Anger nung nasa elevator na kami. President Stefano Lhorizon Valentino—plastic, plastic pa, iba-iba ng ugali!
Mapapaamin talaga sana ako nang wala sa oras kanina—gago talaga!
"Naglaplapan ba kayo ni Stefano?" kaswal na tanong ni Angelo habang lumapit siya sa 'kin.
Wesley gave him a hard smack on the head. "Manahimik ka na lang! Napaka-walang kwenta ng lumalabas sa bibig mo."
"Eh, nagtatatanong lang!" Angelo protested, rubbing the back of his head.
"Next time, you'll ask if they had sex!" Wesley said, rolling his eyes as he went to his bed.
Sa paraan ng pagtawa ni Angelo, he sounded guilty sa sinabi ni Wesley.
Nasira naman ang ekspresyon ko dahil sa mga sinabi nila—gago! Me doing what with who?!
I couldn't shake the embarrassment, my face was heating up even more at the thought of what they were implying.
If I really did kiss him earlier, two possible things could happen, either he would punch the shit out of me, or we would—
"Hoy, Caspian Zephyr Renauldi, ba't mukha kang guilty?" bintang ni Jethro habang lumapit rin sa akin at tinuro ako.
Hinampas ko naman ang daliri niyang kulang na lang ipasok sa ilong ko sa lapit ng pagturo. "Wow, full name? At saka, hindi ako guilty! Ang bababoy ng nasa isip niyo!"
"'Yong totoo?" ulit ni Angelo. Ayaw paawat ni gago.
"Can you shut up, Gelo? We never asked how many girls you already did that thing with, and if Caspian and Stefano did hook up, ano bang pakialam mo?!"
Angelo gasped. "Ako lang? Si Jeth nang-aasar rin dito, ah?" he muttered in disbelief, his mouth slightly open.
I smirked and stuck my tongue out to tease him. "Pero, hindi nga kami nag-hook up, ano ba?!"
They all believed me, habang si Angelo ay patuloy pa ring nagbibigay ng mga malisyosong tingin at ngiti. Ang bastos talaga!
I just ignored him and went back to sleep. Sinabihan ko na lang silang gisingin ako pag lunch, since dun namin sisimulan ang activities namin ngayong araw.
Sinisipa ko naman 'yung hangin at hinahampas 'yung unan sa tuwing magpa-flashback 'yung nangyari kanina sa elevator! Nakakahiya, na ewan.
Dapat siya 'yung mahiya; siya 'yung kung makalapit, kulang na lang higupin ako!
"Dear, do I need to bring you to a psychiatrist?" Wesley asked, probably annoyed by my kicking.
Hindi ko na siya pinansin at natulog na lang talaga. Pinilit ko nalang ibaon sa dulo ng limbic system ko 'yung mga nangyari kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/369982112-288-k390367.jpg)
YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomanceWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...