Chapter 37

6.2K 141 161
                                        

Chapter 37

“Putang ina ka! Bakit hindi ka na nag-reply? Akala namin namatay ka na!”

That was Namyy’s unfiltered mouth, greeting me as I came downstairs to see who had shown up.

I was shocked to see all of them gathered in the sala. “Anong ginagawa n’yo dito?”

“Aakyat daw ng ligaw si Carlo,” tukso ni Jomar habang dumudukot ng chicken sa bucket.

Ang dami nilang dalang pagkain—may bucket ng fried chicken na bagong prito, na amoy pa lang ay nakakagutom na; may tray ng palabok na may chicharon sa ibabaw, boxes of pizza with melting cheese, at isang malaking tub ng ice cream na nagsisimula nang matunaw. Sa center table, may assorted chips, gummy candies, at bottles ng iced tea at soda. Sa tabi ng mesa, may dalawang six-pack ng beer, isang bote ng vodka, at red plastic cups.

“Wag ka ngang kumuha, para kay Caspian ’yan,” tapik ni Carlo sa kamay ni Jomar.

“Hindi niya naman ’yan mauubos. Kaya nga nandito ako para tulungan siya,” sagot ni Jomar, sabay ngisi.

I chuckled as I sat at the vacant table. Pinaalis pa ni Carlo si Jomar para sa tabi niya ako umupo, pero umiling lang ako at tumabi kay Wesley, na mariin akong tinitingnan—parang binabasa ang iniisip ko.

“Gandang-ganda ka na naman sa ’kin, no?”

Ngumiti siya saglit, pero agad ding sumeryoso ang mukha. Tumingin siya sa ’kin at mahina niyang sabi, “Is it your coping mechanism to joke while hurting?”

Napairap ako nang bahagya. Knew it. Kaya minsan, ayaw ko siyang kausap—sobrang direct to the point. Pwede namang i-sugarcoat ’yung mga sinasabi niya, hindi naman ako magrereklamo. Pero hindi talaga siya gano’n. Walang paligoy-ligoy. Parang laging tinatamaan ’yung ego ko pag siya na ’yung nagsalita.

Pero sa totoo lang... minsan, kailangan ko ring marinig ’yung mga bagay na ayaw kong aminin sa sarili ko.

“Bakit ba hindi ka na makontak, Caspian? Ano bang pinagkakaabalahan mo at hindi mo na kami mareply-an?” Kuha ni Shyra sa atensyon ko.

Kinuha ko ang tub ng matcha ice cream—miss ko na ’to. Kumuha ako ng isang kutsara, sabay sagot, “Naging busy lang sa pag-aasikaso ng mga bagay... lalo na sa kaso ni Kuya.”

As expected, may nabulunan pa at muntik nang madura ang kinain sa gulat. Sunod-sunod silang uminom ng tubig, halatang hindi agad nila maproseso ang sinabi ko.

“Huh? Kaso? Anong ginawa niya?”

“He didn’t do something. Um... he was the victim.” Mas lalo silang nagulat. Tumigil si Namyy sa pagsubo ng palabok, at halos maibagsak ni Jomar ang hawak niyang slice ng pizza.

“He kept it to himself for a long time because he was afraid no one would believe him—especially since it was his boss who did it. It happened after he was drugged during what was supposed to be a promotion party.”

“Gago. Hayop. Animal talaga ’yang mga taong mapagsamantala,” si Namyy, na alam ko—kung nandito lang ’yon—kanina pa sinugod.

“So what happened? Nanalo ba kayo?” tanong ni Jethro habang dahan-dahang inaabot ang red cup ng beer pero hindi pa umiinom.

I nodded. “The evidence was strong enough to put the jerk in jail. Nakakatawa nga ’yung asawa nung boss—ayaw pang maniwala kahit halos isampal na sa kanya ’yung mga ebidensiya.”

“Babae, malamang. Siguro binaliktad ’yung sitwasyon,” Jomar shrugged habang nilalantakan pa rin ang manok.

“Lalaki, Jo.”

ETB #1: Lost in Blank StaresWhere stories live. Discover now