Chapter 13

7.4K 237 116
                                    

Chapter 13

"Ah, oo, ang ganda ng sunset," palusot ko, sabay turo sa palubog na araw.

Kahit napapaisip ako kung ako ba talaga ang tinutukoy niya. Pero lalaki ako! I know my friends tell me that I'm pretty even as a boy, pero hindi ko lubos maisip kung gano'n rin ba ang tingin ni Stefano sa 'kin.

I saw him smirk. "Sure... the sunset it is."

Lumunok ako, sandaling pumikit, at tumingala sa langit. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko, tila tinutulungan akong kumalma.

Tahimik kaming naglalakad, paminsan-minsan ay tumatama ang mga balikat namin, at bawat tama ay pinapabilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang tahimik namin, duda ako kung hindi niya naririnig ang malakas na kabog nito.

I pouted as we neared my apartment. Gusto ko pa sanang makasama siya.

"Dito na 'ko," I said, pointing at the gate.

He stopped walking and glanced at the gate, then back at me. There was a brief pause before he smiled softly.

"Alright, ingat ka," he said, his voice warm, but I could sense a hint of hesitation too, as if he wasn't ready to part ways either.

Tigil, self. Ilang beses ka nang nag-assume, ilang beses mo na ring napatunayan na assuming ka lang talaga.

I lingered for a second, biting my lip. "Thanks... sa lakad."

He smiled wider this time. "Anytime."

Humigpit ang hawak ko sa strap ng tote bag ko. "Sa’n ka nga ulit pupunta? Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina e," I asked again, genuinely curious because I had no idea where he was heading.

Hinawi niya ang strand ng buhok niyang hinahangin. "Going back to the university, kukunin ko yung kotse ko."

My brows furrowed. "Huh? So bakit ka dumaan dito?"

He shrugged, a faint smile tugging at the corners of his lips. "I told you, I just wanted to walk."

Tumango ako, kahit hindi ako gano'n kakumbinsido. May kotse siya, pero naglakad? Tapos dito pa talaga?

"Sure, ingat pabalik," I said, giving him a small wave.

As he walked away, I couldn’t shake off the lingering thought—ewan ko sa kanya, ang daming baong palusot.

Nang dumating ako sa kwarto ko, nakangiti ako na parang tanga hanggang sa naisip ko na dapat nirereto ko nga pala dapat si Namyy kay Stefano. I grunted. Bakit ba nakakalimutan ko ang ibang tao kapag kasama siya?

Nilagay ko naman sa lagayan ang mga gamit ko bago pumunta sa banyo para maligo at mag-skincare. When I finished, I found myself staring at the glow-in-the-dark stars on my ceiling.

His smile earlier flashed in my mind repeatedly, kaya napapasabunot ako at ngumingiti na parang nasisiraan na ng bait dito sa kwarto ko.

I counted the stars to help me fall asleep because, even though I was exhausted from school earlier, the stroll down the street with Stefano was just what I needed to feel okay.

The next morning, maaga akong nagising. Plano ko pa nga sanang matulog ulit kasi wala namang pasok, but I'm going home kaya maaga akong nag-general cleaning sa apartment ko.

I wore black shorts and an oversized shirt. Hindi naman ganoon ka-dumi ang apartment ko dahil lagi naman akong naglilinis. Kaya pinunasan ko lang ang mga dumi sa mga sulok, rearranged a few things, and vacuumed the floor. As usual, I played my favorite playlist to make cleaning more fun.

ETB #1: Lost in Blank StaresWhere stories live. Discover now