Chapter 29

7.9K 243 208
                                        

Chapter 29

"Wake up, babe. It's already nine. You should shower already."

Dumaing ako nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napasimangot ako at iniwas ang ulo sa liwanag, pilit pang niyayakap ang unan para bumalik sa tulog.

"You're going to sleep the whole morning away," dagdag niya, lumapit at marahang niyugyog ang balikat ko.

"Five more minutes," usal ko, halos pabulong.

Masarap pa rin kasi ang higaan, at ramdam ko ang pagod ng buong linggo. Ang dami kong hinabol na deadlines at review sessions para sa exams. Halos wala na nga akong tamang tulog nitong mga nakaraang araw. Honestly, being in college means your body clock is totally broken.

"You said that already," hinila niya ang kumot pababa.

Kumapit naman ako sa dulo nito, pilit na itinatakip ulit sa katawan ko.

"Come on, we have plans today."

"Give me ten," sabi ko, pilit na tinatanggal ang antok sa boses ko.

"Not happening. You'll end up saying 'five more minutes' again," he replied, tumatawa pa habang humiga sa tabi ko. "Do I have to carry you, Caspian?"

Napairap ako kahit nakapikit pa. "If you're going to carry me, ikaw na rin magpapaligo sa 'kin," pabirong sagot ko, nakangisi habang nakatago pa rin sa unan.

Napasigaw ako nang maramdaman kong bigla niya akong binuhat mula sa kama, nakasandal ako sa dibdib niya habang ang mga kamay ko'y nakakapit sa kanyang braso para hindi mahulog.

"Stefano! Ano ba?!" Kumapit ako nang mahigpit sa balikat niya, ang antok biglang napalitan ng gulat.

"You should have told me earlier that you wanted me to shower you," aniya, mapanuksong nakangisi. "Kumakain na sana tayo ngayon."

"Anong kumakain?!"

"Ng breakfast, Caspian. Ano bang iniisip mo?"

"Wala! Ibaba mo nga ako!"

"It's fine, Caspian," patuloy niya, mas lalo pang pinalapit ang mukha niya sa akin. "I mean, I'd gladly help... if you want me to."

"Stefano!" sigaw ko ulit, kumapit lang sa kanya.

Pilit akong pumipiglas, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi na mawalawala ang pilyong ngiti, habang ako, pilit na iniwas ang tingin kahit alam kong ramdam niya ang pamumula ko.

Kung hindi lang siya ang nakahawak sa akin ngayon, kanina pa 'to, nakikipaghalikan sa sahig.

"I'm kidding," binaba niya ako sa harap ng pintuan. Sinamaan ko siya ng tingin at sinapak sa dibdib. Natatawa pa rin siya. Yumuko siya upang lumebel sa naiinis kong mukha. "Call me if you change your mind about showering alone."

"If you don't want to be taken down with a roundhouse kick, get out of my sight already."

"I can stay if I want to?"

Napapikit ako, hindi makapaniwala sa sinagot niya. Para bang walang bilib na kaya ko talagang gawin yun sa kanya. Pumasok na ako sa bathroom at marahas na sinarahan ang pintuan. He's being more flirty each passing day.

I groaned when I realized I didn't bring my clothes. Ayoko namang lumabas ng topless! Naiinis, lumabas ako at kinuha ko na lang ang bag ko; wala na akong oras para maghanap ng damit kasi patuloy pa rin siya sa pang-aasar. Nang-aasar pa siya tungkol sa pagpapaligo sa 'kin, pero iniirapan ko lang siya bago bumalik sa loob ng bathroom.

Even the resort's bathroom and CR are big, but not overwhelming. It's just that the bathroom at home is even bigger. There's a spot for everything, so I placed my bag on the counter by the sink as I got ready.

ETB #1: Lost in Blank StaresWhere stories live. Discover now