Chapter 27
"It's fine, Ren. She doesn't deserve you anyway. That breakup just saved you."
Iniaabot ni Carlo ang baso ng Stella Artois kay Reniel habang ako ay nakatingin sa kanya. Imbes na mag-celebrate kami dahil tapos na ang exam, nandito kami sa bahay ni Reniel, pinapalakas ang kanyang loob.
"Ang nakakagago lang, hiniwalayan ka talaga bago yung exam!" singit ni Jethro, na halatang hindi makapaniwala.
"'Di ba? Hindi man lang nakapag-antay si ate na matapos yung exam bago nakipaghiwalay!" si Namyy, habang umiinom mula sa kanyang Moët & Chandon.
Hindi ko kayang isipin kung paano nakapag-focus si Reniel sa exam na yun habang bagong break lang. Ang tindi nga, bakit makikipaghiwalay siya bago yung examination? Pwede naman sanang pagkatapos. Kinuha ko ang baso ko ng apple juice.
Ayoko munang uminom ng alcohol. I'll see Stefano after this—ayaw ko naman mangamoy alak. Alam kong okay lang kay Stefano, pero hindi ko kaya. At baka ayain pa niya akong uminom mamaya.
My tolerance for alcohol wouldn't survive if I drank here, tapos mag-iinom pa kami mamaya.
"Nakaka-potangina nga eh! Patulog na ako nun, tuwang-tuwa pa ako kasi tumawag na siya. Akala ko magkakaayos na kami—tumawag lang pala para hiwalayan ako! Hindi tuloy ako nakatulog. Pota, tulala ako nung binaba niya na lang bigla," marahas niyang inagaw ulit ang shot glass at muling uminom.
"Baby, let's end this," maarteng ginaya ni Ruby ang boses ng ex ni Reniel, sabay lagay ng palad sa tenga, parang may kausap na tumatawag. "Gano'n lang? Seryoso?"
Tumango si Reniel, na mukhang wala nang magagawa.
"Baka naman nakita yung collection mo ng pornography videos kaya na-turn off," ani Jomar, na natawa.
Nasamid naman ako. Bakit kaya hilig nilang isingit yung porn topic na 'yan? Halos mabilaukan ako habang kumukuha ng manok.
Dumukot ng yelo si Reniel at tinapunan si Jomar. "Asshole, ipapasa mo pa sakin yang gawain mo?"
Jomar just laughed and shook his head, then took a drink, still finding it amusing.
"Hindi ako nanunuod ng ganyan, no! Hindi ako nanunuod ng katawan ng ibang babae!" Pasigaw na sinabi ni Reniel, halatang gigil na.
"Iniwan ka pa rin naman," si Angelo, hinampas ko siya. "What, it's true?"
"Mga babae talaga, kahit ibigay mo na lahat, they would still leave kung magmamahal ka ng todo. Tamo, nilayuan ni Ren kahit na babaeng kaibigan natin kasi pinagseselosan niyang si Andrea, pero iniwan pa rin." Biglang nagkaroon ng inis sa tono ni Jomar, na parang may hinanakit.
"Hoy, gago ka! Wag mo ngang nilalahat kung si Andrea lang yung nang-iwan. Ba’t ka nang dadamay?" Si Mila, na nagsalita ng matigas.
"Wow, bakit kayo, pag isang lalaki lang nagloko, bakit niyo gine-generalize? Tapos, pag isang babae nagloko, siya lang? Pag isang lalaki, kami lahat?" Sagot ni Jomar, seryoso pa rin, at tumayo pa siya na parang batang nakikipag-away.
Kami lang ang nagtawanan kay Jomar dahil ang seryoso niya, at talagang tumayo pa siya, parang naghahamon ng laban. Nga naman, bakit ganun?
"Love sucks. I spent five years with her, then she will just end it like nothing." Si Reniel, tinitingnan ang baso niya, pinapaiikot niya na lang. Gosh, he looked so lost. Parang hindi niya alam kung anong susunod na gagawin.
"Five years ago, yet I still remember those days when my knees would be shaking just to go to her house to ask her parents for permission," kwento niya, halatang may tama na ng alak. "Yan si Jomar at Carlo saksi kung gaano ako kaseryoso sa babaeng 'yun."
YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomanceWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...
