Chapter 07

5.9K 185 68
                                    

Chapter 07

"Ang daya talaga ng mundo, 'no? Kung sino pa 'tong effortless at hindi nagpapapansin, siya pa 'yung laging kinakausap ng taong gusto natin," saad ni Mila, nakatukod ang mga siko sa mesa habang nakatingin sa menu ng restaurant.

I flipped the menu as if I wouldn't order the same thing I always do. Pero malay ko, baka may himala at mag-order ako ng iba. Nandito na kami ng girls sa restaurant for dinner dahil gabi na rin natapos ang training.

"Sino?" tanong ko.

They all frowned and rolled their eyes at me. "Pa-inosente pa si gaga, oh! Ikaw lang naman ang kinakausap ni Pres kanina!"

"Kaya nga, tapos ngiting-ngiti pa 'yung asawa ko, mga traydor!" Ruby chimed in dramatically, putting a hand over her chest as if she was offended.

I rolled my eyes. "Ang OA niyo. Kinausap niya tayong lahat! Lalo na itong si Mila na laging tinatawag tapos magpapaturo kuno," I pointed accusingly at Mila.

Nag-flashback naman sa isip ko ang mga maarte niyang galaw habang nagpapaturo kay Stefano. Minsan, hinahawakan na lang siya ni Stefano para i-guide dahil hindi raw niya makuha ang tinuturo.

Sa klase naman, halos hindi mo na kailangan mag-ulit ng instructions kasi mabilis naman siyang makaintindi. Pero kapag si Stefano na ang nagtuturo, biglang bumabagal ang comprehension niya!

It's like all of a sudden, she forgets how to learn just so she can get extra attention from him!

"True, pero sa'yo lang siya ngumingiti! Umamin ka na, Casp, may something sa inyo 'no?"

I gasped, putting on a dramatic expression. "Alam kong madrama kayo at maisyu, pero grabe naman 'yang mga accusation niyo-dahil lang sa pagngiti, may something na agad? Ewan ko sa inyo, tigilan niyo nga ako!" I said, laughing at their relentless teasing.

Sure, I was the only one he smiled at kanina sa gym, but for all they know, baka nakakatawa lang talaga 'yung mukha ko?

And the way they were saying those things, as if Stefano would actually like me. That's impossible! I'm not even his type. Based on what I've heard, he goes for model types-tall, polished, and flawless.

Tapos ako? Baka model ng basahan? Keri pa!

The waiter arrived just in time, so we gave our orders and continued chatting while we waited for our food.

"Nasaan na 'yung tatlo?"

I rested my chin on my knuckles, medyo napagod sa training at gusto ko na lang matulog ngayon. Kung hindi lang talaga nila ako inaya, nasa unit na ako at mahimbing na natutulog, malamang nakayakap pa sa unan habang nakapikit. Or nagba-browse na ako sa Netflix, naghahanap ng magandang panoorin para pamparelax pagkatapos ng nakakapagod na araw.

"Yung isa, nasa girlfriend," Lei said, referring to Reniel, the only one with a girlfriend among our friends. "Yung isa umuwi, tapos 'yung isa naman, I saw him being dragged by Vance."

"Grabeng fighting spirit ni bading, kailan niya kaya titigilan si Cy?" Ruby laughed, amused at the thought.

"Kung ako 'yun, hindi ko siya gaganoonin," Mila said, shaking her head. "Ewan ko anong meron sa bayag ni Cyrille at dun siya habol ng habol. Ayaw niya ba talaga sa kipay? Nakakaloka siya, parang wala na siyang ibang makita."

Natatawa ako pero naawa rin habang pinag-uusapan nila 'yon. Ewan ko rin ba kay Vance at hindi na lang tigilan ang kaibigan namin kasi hindi naman siya gusto. Gwapo naman kasi si Vance-matangkad, at alam kong marami rin ang magkakagusto sa kanyang ibang lalaki.

ETB #1: Lost in Blank Stares Where stories live. Discover now