Chapter 31
“Lola!” I shouted at the top of my lungs, as if I hadn’t seen her for decades.
Lumiwanag ang mukha ng matandang babae nang makita ako. Nakaupo siya sa rocking chair at abala sa paggantsilyo.
Mula pa lang sa labas ng gate, tanaw ko na siya sa harap ng kanyang simpleng bahay na gawa sa kahoy. Ang bakuran ay puno ng mga halamang namumulaklak, at may mga paso ng gumamela na nakahanay sa gilid ng pintuan. Sa mas malawak na espasyo ng bakuran, makikita ang mga tanim niyang gulay. Simple lang, ngunit napakaaliwalas at napakaganda ng paligid.
“Ian, apo!” sigaw niya pabalik, bakas ang saya sa kanyang boses.
I opened the small red gate, hurried towards her, hugged her, and pressed her hand to my forehead as a sign of respect.
“Lola, na-miss kita!”
“Akala ko nga ay hindi mo na ako bibisitahin. Magtatampo na sana ako,” biro niya.
“Kahit magtampo ka, hindi mo pa rin matitiis ang gwapo mong apo,” ani ko at tumawa.
Tumingin siya sa likuran ko at ngumiti. “May kasama ka pala.”
“Good afternoon po,” bati ng lalaki sa likod ko. Kahit nahihirapan sa dala, nag-mano pa rin siya.
“Kaawaan ka ng Diyos. Ang tangkad at gwapong binata nito,” aniya habang pinapasadahan ng tingin si Stefano.
Stefano smiled. "Para sa inyo po."
Binigay niya ang isang basket ng iba't ibang prutas.
"Maraming salamat dito. Pumasok ka sa loob. Ilagay mo muna 'yang mga dala niyo. Mukhang ang bibigat ng mga iyan," si Lola habang kinurot ang hita ko. Tumayo na rin siya mula sa kanyang upuan. “Ikaw naman, bakit hindi mo tinulungan?”
“Aray, La!” reklamo ko habang hinawakan ang kinurot niya. “Ayaw nga niyang ibigay sa 'kin kahit 'yung sling bag eh.”
I glanced at Stefano, who was carrying two backpacks—one in the front and one on his back. May hawak pa siyang tote bag sa isang kamay at sling bag sa kabila. Sa dami ng dala niya, mukha na siyang naglayas. Lahat ng gamit ko, dala niya rin dahil ayaw ibigay.
Na sobrahan sa pagiging gentleman ang isang 'to.
“Doon sa taas ang kwarto niya, hijo,” ani Lola habang sinasabayan kami sa pag-akyat ng hagdan.
Panay ang paglibot ng tingin ni Stefano sa loob ng bahay. Gawa sa kahoy ang kalooban, at kahit simple, ramdam ang init at kasaysayan nito. Ang mga dingding ay puno ng naka-frame na lumang litrato, kabilang na ang mga larawan ng pamilya noong bata pa ang mga anak ni Lola—mga kapatid ni Mommy. May ilang litrato rin kami ni Kuya dito, at may bago kay Thalia—iyon ang mga pinagmasdan niyang mabuti.
“Mamaya mo na nga tingnan 'yan, baka matapilok ka,” suway ko sa kanya, dahil kahit sa gilid ng hagdan ay may mga litrato.
“I’m not as careless as you are,” aniya, natatawa habang naaalala siguro ang pagkatapilok ko kanina. “As expected, you will never have an ugly picture. Ang cute mo nung bata ka. Mas gumwapo at gumanda ka pa ngayon."
I pouted. If he wasn’t carrying anything, I would have kicked him.
“Diyan mo muna ilagay sa upuan, hijo. May cabinet si Caspian, kasya naman siguro ang mga gamit niyo dahil malaki 'yan,” si Lola habang itinuturo kung saan nakalagay ang mga gamit sa kwarto.
"Okay po."
Gusto kong matawa dahil panay ang pag-opo niya, ang cute kasi.
“Kumuha muna tayo ng bedsheet sa kwarto ko, Ian. Hindi ko kasi 'yan napalitan nung nakaraan dahil paminsan-minsan ka lang naman bumibisita.”
YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomanceWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...
