Chapter 16

7.2K 207 220
                                    

Chapter 16

Kinabukasan, maaga akong nagising. Kita ko namang tulog pa ang tatlo sa kani-kanilang higaan, kaya hindi ko na sila ginising. Sa palagay ko, napagod sila sa mga aktibidad na ginawa nila kahapon.

I got out of bed and stepped onto the balcony, letting the cool breeze wash over me. The view was stunning-calm waves rolled toward the shore, and the horizon glowed with shades of pastel pink and orange.

It felt like the world had paused for a moment, offering a scene that could easily be framed and hung on a wall.

I decided to head down to the hotel's restaurant for breakfast. As I entered, binati ko ang ilan sa mga kasamahan namin na nagising na rin.

I spotted Stefano by the window, a cup of coffee already in his hand, looking out at the sea. When he noticed me, he smiled and waved me over to his table.

"Good morning, baby," he greeted when I took the seat across from him. His voice was low and a bit raspy from just waking up.

Napaubo ako at hinampas siya. "Tigilan mo nga ako. Kahapon ka pa nang-aasar."

Stefano just chuckled at my reaction, his smile turning into a smirk as he took another sip of his coffee. "Eh ano? Gusto mo ba ng ibang tawag?"

"Hotdog ka, tigilan mo 'ko. Hindi tayo mag-boyfriend para magkaroon ng tawagan," I muttered, rolling my eyes but unable to stop the small smile tugging at my lips.

Umorder ako ng simpleng breakfast. He also ordered something since nagkakape lang siya. Parang hinintay niya lang na may kasabay siya, ah?

Tahimik ko ring hinihiling na mabilis dumating ang order namin bago pa magising ang iba naming kasama at sirain ang moment naming dalawa.

Ang cute na, oh! Breakfast date sa harap ng magandang view, kahit ako lang ang nag-iisip na date 'to.

"So, gusto mo?" tanong niya, nakangiti, matapos kong umorder.

"Huh? Yung alin?"

"Nothing. Did you sleep well?" He changed the subject.

"Okay lang naman. Ikaw ba? Nakatulog ka ng maayos?" I answered, even though I was still curious about what he meant by his first question.

"Siguro? Rejiel was snoring loudly. Akala ko mahihigop niya yung unan sa laki ng butas ng ilong niya," umiling siya.

Umiling rin ako at tumawa. "Totoo! Tapos ang likot pa pag katabi. Magigising ka na lang, nasa harap mo na siya, nakanguso."

Umangat ang mga kilay niya. "Nagkatabi na kayong matulog?"

Tumango ako. "Yup, marami naman kami tuwing may field trips, sleepovers, o pag galing sa inuman. Nagtatabi na lang kaming matulog sa kung kanino ang malapit na bahay o apartment kasi sobrang lasing na, mga ganon." Tumawa ako ng bahagya kasi naka-kunot na ang noo niya.

"I see you're really comfortable with them, huh?"

Ngumiti ako. "Oo naman, they don't judge me kasi for being myself like some other people do. Kahit nga aware sila sa preference ko, they don't act like I would do something weird with them." Tumingin ako sa dagat. "Kasi gano'n mag-isip ang ibang tao, eh, na pag laging dumidikit ang bakla sa mga lalaki, may balak na agad na masama," sabi ko habang inaalala ang mga narinig ko mula sa ibang tao.

Bumaling ako sa lalaki. "Sorry, ang daldal ko. Kung saan-saan na ako napupunta, tinatanong mo lang naman ako kung komportable ako sa kanila."

Hindi ko rin alam kung bakit ko biglang na-open iyon. I don't talk like this to my friends; ayaw kong i-open 'yon. Sinarili ko lang pag may naririnig akong masamang sinabi tungkol sa akin.

ETB #1: Lost in Blank StaresWhere stories live. Discover now