Chapter 26
"Tanga! 1,250,000 pesos nga yung sagot! Kailangan mo lang i-divide yung total assets by the equity multiplier!”
Kulang na lang mabutas ang notebook ni Ruby sa kaka-turo ng computations niya gamit ang ballpen.
“Bobo, mali nga, Ruby! You forgot to subtract the liabilities first before dividing. The correct figure should be 1,050,000 pesos,” Mila countered, her tone sharp as she slid her neatly written solutions across the table.
Papalapit na ang huling exam namin para sa second year, kaya todo aral kami. Sa bahay nila Audrey kami nag-review, at halos sinakop na namin ang dining table nila. Kalat ang yellow pad papers, calculators, at ilang tasa ng lumamig na kape.
“Nag-aaway pa kayo, pareho namang mali,” singit ni Carlo sabay dampot sa mga papel nila. “Depreciation adjustment ang kulang sa computations niyo. The actual answer is 980,000 pesos.”
“Depreciation adjustment? Hindi naman sinabi sa problem na kailangan 'yun!” Inayos ni Lei ang reading glasses niya, halatang nagtataka.
“Implied 'yun,” ani Carlo, hindi nagpatinag. “Sabi nga ni Sir, apply the matching principle. Depreciation is always a factor unless explicitly excluded.”
“Eh di ikaw na ang matalino! Sige nga, prove it.”
Carlo looked at me, silently signaling for help with his eyes. I shook my head and rolled my eyes but grabbed my laptop anyway.
Napangisi ako habang mabilis na nagbukas ng Excel at gumawa ng simulation. Habang nagta-type ako, patuloy pa rin ang bulungan at pagbabangayan nina Mila at Ruby.
Ilang segundo lang, ini-spin ko ang laptop paharap sa kanila. “O, ayan. Adjusted for depreciation, liabilities subtracted—980,000 pesos.”
Tahimik na tinitigan ng mga babae ang screen. Gusto pa sanang kumontra, pero sa huli, napabuntong-hininga na lang sila.
“Fine,” naiinis na saad ni Ruby habang napapailing. Sumandal siya sa upuan at tumitig sa kisame. “Depreciation adjustment nga.”
Seryoso kaming bumalik sa mga pinagkaabalahan namin. Ang iba nagbabasa, ang iba naman abala sa pagsosolve ng equations.
Saktong dumating sina Jomar at Audrey, may dalang tray ng pagkain. Agad napatingin si Jomar sa mga nakakalat na notebooks nina Mila at Ruby at kumunot ang kanyang noo.
Inilalapag nila ang malalaking bowls ng buldak noodles at juice sa mesa, eksakto sa tabi ng mga notebooks ng dalawang babae.
“Pag tinabi yung notes ni Ruby sa notes ni Mila, parang pinanglinis sa puwet pagkatapos tumae,” walang prenong puna ni Jomar.
Unang humagalpak si Carlo, at kasunod agad si Mila. Si Ruby naman, naningkit ang mga mata at kulang na lang liparin ang mesa para sugurin si Jomar.
I tried to hold back my laughter, but when I heard Lovelei's laugh, we all lost it. Siya kasi ang may pinaka-weird na tawa, tipong kinakapos ng hininga na may halong tunog ng biik at kambing. Isama pa ang tawa ni Mila na parang tabutsong maingay tuwing bagong taon.
"Nung una nga nang makita ko handwriting niya, akala ko balak niyang mag-doctor," sabi ni Lei, pausing to laugh.
"Pag nagpapadala nga siya ng excuse letter sa akin dati, akala ko magpapabili ng gamot," Mila added, laughing hard and high-fiving Lei.
Humawak na lang ako sa bibig ko dahil sa mga kalokohang sinasabi nila. It was getting harder to stop myself from bursting out. The jokes they were throwing were making us laugh more, idagdag pa ang pikong mukha ni Ruby.
YOU ARE READING
ETB #1: Lost in Blank Stares
RomanceWould I ever find myself lost in your blank stares, searching for even the smallest sign that you see me for who I am? Just knowing you see me for who I truly am could quiet all their cruel whispers. But is that enough to fight for us? Will your gaz...
