CHAPTER 34

34 3 1
                                    

After my conversation with Kade about the label of our relationship, buong week kaming hindi nag pansinan. No texts, no calls, at hindi kami makatingin sa isa't isa whenever nagtatagpo kami sa classroom. It saddened me, but I did not let the thought that "what if we are over?" , to ruin me, because, I am still aiming for the rank 1 position.

"Hindi pa rin kayo nag uusap?" Biglang tanong ni Soleia while I am in the middle of reading.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. Pang ilang beses na niya akong tinanong this week ah.

"Why? It doesn't matter if we don't talk anymore. I am busy with my studies." I answered. Nasasaktan pa rin naman ako, pero 'tsaka ko na intindihin ang saamin, I need to focus on this one.

Pagkatapos ng talk in the coffee shop while we are also doing our readings, dumiretso na kami sa school dahil 10 minutes nalang at mag sisimula na ang afternoon class namin.

Pagdating namin ng classroom ay nagkasalubong kami ni Kade. Iiwas sana ako ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Let's talk..." Ang wika nito ng taasan ko siya ng kilay.

Hindi ako nag pakita ng reaction na para bang na-aapektohan ako sa kaniya. I remained my unbothered expression.

"Talk about what?!" Ani ko sa kaniya.

"Oh baby... Don't act like you don't know anything. Let's talk about us. Bakit hindi na ako pinapansin?" Diretsong tanong nito saakin.

Inirapan ko lamang siya at kinuha ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"We have nothing to talk. Mauna na ako, busy ako." Nakita ko paano dumaloy ang masakit na expression sa kaniyang mga mata. Pero hindi ko lang ito pinansin at dumiretso sa upuan ko.

Zeu smiled at me nang magkatinginan kami pero hindi ko rin ito pinansin. I don't care about anybody. Masyado akong busy para mag aksaya ng oras, kahit pa walang malisya ang bagay na gagawin ko.

Pagkatapos ng klase ay kung dati sabay kami lagi ni Kade umuuwi dahil hinahatid niya pa ako, ngayon ay ako nalang ang mag-isang uuwi. Hindi naman kaso 'yon, because I grew up being independent. Pero sometimes, naiisip ko pa rin ang pakiramdam ng may kasama ka sa mga bagay. Namimiss ko si Kade, but I can't for now... Hindi ko alam paano siya kakausapin.

"Uuwi ka na ba, Dira?" Tinaasan ko ng kilay kung sino ang nag tanong. And I saw it was Zeu.

"And so if uuwi na ako??" Masungit na tanong ko sa kaniya. Aba, kahit wala akong kasama, that doesn't mean I'll entertain other's. My heart still belongs to Kade.

"Tinatanong ko lang naman, kasi you are headed sa paradahan ng taxi. Hindi ko sinabing ihahatid kita." Sagot nito at umirap. T-tangina???

Hindi ko nalang siya pinansin at nag-patuloy na rin sa paglalakad para makasakay ako agad.

Dapat pumayag nalang pala ako kina Papa noong sinabi nilang kuhanan ako ng driver's license at bilhan ng sariling sasakyan. Para randam ko talaga ang pagiging independent ko.

"Manong sa Long Street Village po ako." Saad ko sa driver nang makasakay ako-

But my mouth suddenly opened when someone also entered at sumiksik pa talaga ito sa tabi ko.

Naiinis akong lumingon dito, pero bago pa ako nakalingon- a familiar scent invaded my nostrils.

Gulat ko itong tinignan, and I wasn't wrong when I saw that it was Kade. Aba?! 'Di ba may sasakyan siya??? Anong ginagawa niya dito?

"Sinasamahan kita." Sambit nito na para bang nabasa niya ang tanong sa utak ko.

Sinasamahan???

Ma-try nga ang manong stop the car? Pwede naman siguro iyon 'di ba? At least, hindi ako sa tricycle mag-sasabi or sa jeep, car pa rin ang taxi- ay wait may pangalan siyang taxi e?? So, should I say- "stop the taxi?" Argh! Huwag na nga lang.

Hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa makarating ako ng bahay.

Akala ko ay matatapos na ang suffocating awkward air kanina sa sasakyan nang magkasabay kami sa sasakyan, or should I say sinasadya niyang pagsabay saakin. Ngunit, lumabas rin ito kasama ako, at pinagbuksan niya pa talaga ako huh...

"Ano ba 'yang ginagawa mo???" Sumbat ko sa kaniya pagka-alis ng taxi. Hindi ko siya ma-gets, sinong baliw ang sasabay saakin sa taxi when he has a car with him??!

"I'm making sure na safe ka." Seryosong sagot nito. Kinunotan ko naman siya ng noo. Para namang may masamang magyayari saakin, ano siya?? Manghuhula.

"Kaya ko ang sarili ko, I grew up being independe-" The usual Kade who often cut my words. He did it again, by saying his answer without me letting na matapos ang sasabihin ko.

"Kaya mo ang sarili mo, pero ako... Hindi ko kayang wala ka... P-please baby... Sorry, nasanay ako na merong ikaw for the past years, hindi ko kinakaya... Nag re-relapse ako tuwing gabi sa harap ng school works ko..." He softly said at naiiyak pa ito. Gusto ko ng rumupok pero sinusubukan ko pa hanggang kailan ang kaya niyang pagtitiis. Aba, kung hindi ko naisip ang tungkol sa commitment ay forever kaming dalawa na kaming no label enjoyer.

"Suyuin mo pa ako, hindi pa ako satisfied." Pagkukunwari ko-

But I was shock when he opened a ring in front of me, hindi naman ito lumuhod because I know this isn't the right time para mag propose, pag lumuhod means mag p-propose na kasi. Iba rin ang luhod na nasa isip ng iba.

"W-what the hell are you doing??" I uttered.

"This is my promise ring na ikaw lang hanggang sa huli. Na totoo ang sinabi ko na I am dating to marry you. Hindi man ako nanligaw for the past years, but I am sure na ikaw na. Hindi lang kita gustong madaliin dahil mataas pa naman ang panahon nating dalawa, at sure naman akong sa mga panahong dadaan, ikaw lang ang babaeng laman ng puso't isipan ko. I'm sorry baby if I did make you feel unassured. Babawi ako, I'll do better. Mahal na mahal kita..." He pleaded.

And with his words, my heart started crying in happiness. I couldn't understand the feeling, but I know this is love.

---
enjoy reading!

A/N: my deepest apologies mga mahal ko if medyo natagalan ako ng update, i had writer's block the past few days dahil may mga nangyari sa realidad ng inyong author hshshs. salamat sa patience at pag-aantay. mahal ko kayo, sobra.💙

@dfndrsun

Love At First Argument (Law student series#1)Where stories live. Discover now